Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Hunyo 24
Itsura
Balita sa Pilipinas
- Isang malaking kilos protesta ang inaasahang magaganap ngayong Biyernes upang pababain si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (inq7.net)
- Naghain ng kaso ang Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat ng kasong pag-uudyok sa sedisyon laban kay Fortunato Abat, isang retiradong Mayor-Heneral, sa Kagawaran ng Katarungan para sa pagtawag ng pagpapabagsak ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo. (inq7.net)
- Ang burol at pagbigay ng parangal ng estado sa namayapang Jaime Cardinal Sin ay gaganapin sa Hunyo 28. Namatay si Cardinal Sin dahil sa maramihang pagkabigo ng paggana ng mga panloob na bahagi ng katawan o multiple organ failure noong Martes ng umaga sa edad na 76. (Manila Bulletin)
- Itinanggi ni Noli de Castro na may naganap na malawakang pandaraya noong eleksyon ng 2004. Reaksiyon ito sa mga bagong alegasyon mula sa oposisyon laban kay Gloria Macapagal-Arroyo. (ABS-CBN)
- Pagkatapos ng halos walong buwan sa piling ng mga dumakip na mga taga-Iraq, nakauwi na si Robert Tarongoy. Pinasalamatan niya si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at hiniling sa midya na bigyan siya ng panahon para sa kanyang pamilya. (ABS-CBN)
- Inakusahan ni Arsobispo Oscar Cruz ng Lingayen-Dagupan na tumanggap si Gloria Macapagal-Arroyo ng suporta mula sa mga ilegal na operador ng sugal para sa kanyang kampanya noong nakaraang eleksyon. Ito ang unang pagkakataon na isinabit ng tuwiran ang pangalan ni Gloria Macapagal-Arroyo sa ganitong bayaran. Ang ilang kamag-anak ni Pangulong Arroyo ay nadadawit sa isyu ng jueteng. (ABS-CBN)
Pandaigdig na balita
- Nanalo ang San Antonio Spurs laban sa Detroit Pistons sa NBA sa iskor na 81-74. (inq7.net)
- Pinipilit ng administrasyong George W. Bush at Hilagang Korea na daliang asikasuhin ang petsa para sa pagpapatuloy ng anim na partido na mga usaping nukleyar. (ABS-CBN)
- Ang dating Ku Klux Klansman na si Edgar Ray Killen ay hinatulan ng 60 taong pagkabilanggo para sa pagpatay sa 3 manggagawa ng karapatang sibil 1964. Mula sa krimen na ito, lalong umigting ang kilusang pangkarapatang sibil at naging inspirasyon sa pelikulang Mississippi Burning. (ABS-CBN)