Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Hunyo 28
Itsura
- Iskandalong Hello Garci
- Inamin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na siya ang boses sa mga teyp na pang-awdyo na nakikipag-usap sa isang opisyal ng Komisyon sa Halalan. Humingi siya ng tawad sa sambayanang Pilipino. (inq7.net)
- Nagsampa ng reklamong pagsasakdal ang abogadong si Oliver Lozano laban kay Pangulo ng Pilipinas na si Gloria Macapagal-Arroyo sa Kongreso. (inq7.net)
- Namatay ang bilyonaryong tagapagmana ng Wal-Mart nang bumagsak ang sinasakyan niyang eroplano. Si John Walton ang pang-labing-isa sa listahan ng Forbes ng pinakamayaman na tao sa mundo. (inq7.net)
- Ang kandidato sa pagkapangulo ng Ehipto na si Ayman Nour ay nagsabing wala siyang pagkakasala sa pamemeke ng mga pirma sa kanyang rehisto ng partido. Nagkaroon ng demonstrasyon ang kanyang mga tagasuporta sa labas ng korte. Tinuturing si Nour bilang pangunahing kalaban na kandidato sa kasalukuyang pangulo na si Hosni Mubarak. (Arab News) (Al-Jazeera) (BBC) (Reuters)