Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Mayo 2
Itsura
- Ipinapakita ng ipinagkait na datos mula sa taunang ulat sa terorismo ng Departamento ng Estado ng Estados Unidos ang pagtaas ng bilang ng mga atake noong 2004.(BBC)
- Hidwaang Israeli-Palestino:
- Isang sundalong taga-Israel at isang pinuno ng Islamikong Jihad ang namatay pagkatapos ng pagsalakay n Israeli sa Tulkarm, isang Palistinong lungsod. Ang sundalo ay mamatay sa barilant sa 3 miyembro ng Palestinong Islamikong Jihad. Ang tatlo ay pinaghihinalaang bahagi ng cell na kasangkot sa Tel Aviv klab na "Stage" na pagbomba noong Pebrero 2005. Si Shafiq Abdul Rani, pinuno ng cell ng Jihad sa Tulkarm ay namatay at isa pang militante ang inaresto.(Haaretz)
- Nagpaputok ng 3 raket na Qassam ang militanteng Palestino sa Sderot, isang bayang Israeli. Walang nasawi sa pangyayari.(Haaretz)
- Nagbitiw si Natan Sharansky, ang Israeli na Ministro ng Jerusalem at Ugnayang Diyaspora, sa pamahalaan bilang protesta laban sa planong sariling paghihiwalay ni Ari’el Sharon.(Haaretz) (sa Ingles)(BBC)
- Maraming tao ang iniulat na namatay pagkaraan ng malakas na pagsabog sa laglagan ng munisyon sa Pagja, Afghanistan 50 milya sa hilaga ng Kabul. (Seattle Times)
- Si Anthony John Wakefield, isang guwardiya mula sa Newcastle sa Tyne, ay namatay sa Iraq pagkaraang masugatan sa isang pagalit na aksyon sa bayan ng Al Amarah. Ang bilang ng mga tagapaglingkod ng hukbo sa Reino Unido na mamatay sa labanan sa Iraq sa ngayon ay 87. (BBC)
- Ipinagbili ng Adidas-Salomon, ang pinakamalaking tagagawa ng pampalakasang produkto sa Europa, ang kanilang dibisyong Salomon ng 485 milyong euro sa kompanyang Pinlandes na Amer Sports (na nagmamay-ari ng Wilson Sporting Goods). CNN News
- Tinapos na ng pagmahalaan ng Nepal ang aresto sa bahay sa dalawang parlyamentaryo pinunong komunista, sina Madhav Kumar Nepal at Amril Bohara. (BBC)
- Sa Togo, tinanggihan ng partidong oposisyon na Union of Forces for Change na sumapi sa bagong pamahalaan, at inakusaan si Faure Gnassingbé ng pandaraya sa halalan. Mga 12,000 tao ang lumikas dahil sa karahasan sa Ghana at Benin. Tinatangkang mamagitan ang ECOWAS. (BBC) (Reuters AlertNet)(GhanaWeb)(ABC)
- Nagtipon-tipon ang mga ministro ng ugnayang panlabas sa New York upang i-repaso ang Kasunduan sa Di-Paglaganap ng Nukleyar. (Wired)(BBC) (Reuters AlertNet)
- Terorismo sa Cairo: Pagkaraan ng mga insidente ng terorismo sa Cairo noong Sabado, mga 200 katao ang dinala para imbestigahan ng polisyang Ehipsyo. Sampung tao ang nasugatan sa mga atake, at tatlong militante ang namatay. (BBC)
- Sa Alemanya, hinihiling ng prosekusyon ng walong-taong sintensiya kay Martin Weise, isang pinunong neo-nazi, at tatlong iba pa. (Reuters AlertNet)
- Hinihiling ng dating punong ministro ng Haiti na si Yvon Neptune sa kasalukuyang pamahalaan na bawiin ang paratang na siya ay nag-organisa ng isang pagpuksa noong Pebrero 2004. Si Neptune ay nagwelga sa gutom sa loob ng 15 araw at tumatangging magpagamot. (Haiti Action Committee) (BBC) (Reuters AlertNet)
- Gumuho ang tatlong gusali sa Lahore, Pakistan dahil sa pagsabog ng isang silindrong gas – hindi kukulangin na 16 na tao ang namatay. (BBC)(Reuters)
- Pinalipad sa huling pagkakataon ang Britanikong raket na Skylark. (Independent)(BBC)
- Ipinayag ni David Crane, ang punong taga-usig ng Mga Nagkakaisang Bansa ng korte ng krimen sa digmaan sa Sierra Leone, na si Charles Taylor, ang dating pangulo ng Liberia, ang mayroon pa ring pakana na ipapatay si pinunong taga-Guinea na si Lansana Conté. Naospital si Conté mula nang makalitas ito sa isang pagsubok sa pagpaslang noong Enero. (Reuters AlertNet) (UN Regional Information) (World Peace Herald) (BBC)