Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Mayo 3
Itsura
- Dalawang F/A-18 Hornet jet ng Pangkat Marino ng Estados Unidos ang nagbanggan sa himpapapawid ng Iraq habang ang mga ito ay may misyon doon. Natagpuan ang katawan ng isa sa mga piloto at ng isang nailuwang upuan ngunit ang ikalawa ay nawawala pa. (BBC) (Washington Post)
- Ipinagbawal ng Indya ang mga buto ng bulak na binagong henetiko ng Monsanto.(Al-Jazeera)
- Sa Nepal, libo-libong peryodista ang nagprotesta upang ipanumbalik ang kalayaan sa pamamahayag sa Pandaigdigang Araw ng Kalayaan sa Pamamayag.(Guardian) (BBC)
- Ipinahayag ng isang korteng pangkonstitusyon sa Togo na si Faure Gnassingbé ang nanalo sa halalang pampangulo. Patuloy ang paglikas ng mga takas sa mga karatig bansa. (Reuters AlertNet) (News24)
- Kinumpirma ng mga awtoridad sa Indonesia ang ikalawang kaso ng polio. (Jakarta Post)(BBC) <(Reuters AlertNet)
- Sa Peru, apat na kasapi ng pangkat pangkalusugan ng pamahalaan ang natagpuang may laslas sa leeg. (Reuters AlertNet)
- Pumatay ng 15 katao ang isang pagsabog sa isang istadyum ng putbol sa Mogadishu, Somalia nang simulan ng bagong punong ministro na si Ali Mohammed Ghedi ang kanyang talumpati. Ipinahayag ng nga awtoridad pagkaraan na aksidenteng napasabog ng isang guwardiya ang isang granada. (IOL)(IHT)
- Hinuli ang walong tao sa Senegal para sa panloloko sa paunang bayad sa e-mail na kung saan nakabiktima nito ang isang Amerikano at ang isang Norwego. (BBC) (sa Ingles)