Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Nobyembre 8
Itsura
- Halalan sa Liberia ng 2005: Bumoto ang mga taga-Liberia para sa isang pampangulong halalang run-off sa pagitan ng milyonaryong bituin ng soccer na si George Weah at dating ministro ng pananalapi na si Ellen Johnson-Sirleaf. Nanalo si Sirleaf sa 59.4 bahagdan laban sa 40.6 bahagdan ni Weah. (Scotsman) (CBC)
- Sang-ayon sa isang Europeong bangko, patuloy na tataas ang piso ng Pilipinas laban sa dolyar dahil sa implementasyon ng e-VAT. (inq7.net)
- Sa kabila ng usapin sa pagpapalit ng sistema ng pamahalaan sa Pilipinas, sinabi ng dating Pangulong Joseph Estrada na dapat pag-ingatan ng Kongreso ang anumang pagbabago sa Saligang Batas ng Pilipinas. (Manila Bulletin)
- Ilalagay sa kustodiya ng Pilipinas ang anim na Marino ng Estados Unidos na naakusahang ng paggahasa sa isang Filipina kung hihilingin ng pamahalaan ng Pilipinas ang kustodiya. (Philstar)