Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Oktubre 14
Itsura
- Sa Maynila, Pilipinas, napigil sa pamamagitan ng pagbomba ng tubig ng mga bombero ang isang rally o malaking pagpupulong na nagproprotesta laban kay Pangulong Arroyo. Kabilang sa labis na nabasa sa rally ang dating pangalawang pangulong Teofisto Guingona, mga opisisyong mambabatas, ilang Katolikong pari at obispo. (inq7.net)
- Ipinahayag ng midyang pag-aari ng estado sa Zimbabwe na sandaliang kinulong ang Amerikanong embahador ng pamahalaan ng Zimbabwe, noong Lunes, Oktobre 10. Tinuring ng Estados Unidos na sarado na ang kaso pagkatapos ng isang pormal na paumanhin. (Wash. Times)
- Isang mataas na ranggo opisyal na patago ng Central Intelligence Agency, na kilala lamang bilang "Jose," ang makikipag-ugnayan sa CIA, FBI, at sa Departamento ng Estado na mga operasyong pang-espiya bilang ang bagong direktor ng National Clandestine Service. (Reuters)