Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Oktubre 5
Itsura
- Sinalanta ng Hurricane Stan ang Mehiko at Gitnang Amerika, mga 66 katao ang namatay, karamihan sa pagguho ng lupa sa El Salvador. (CBC)
- Nagpalabas ang mga obispong Romano Katoliko sa Inglatera, Wales, at Scotland ng isang gabay sa pagtuturo na pinapaliwanag ang mga ilang nasasaad sa Biblia na hindi dapat ipakahulugan sa literal na konteksto. Tinuturing na "simbolikong wika" ang Paglilikha, Hardin ng Eden at ang paglalang kay Eba mula sa tadyang ni Adan. (Scotsman)
- Malakas na loob na hinarap ang banta ng isang beto nula sa Pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush, sumama ang mga Republikanong Senador ng Estados Unidos sa mga Demokratiko, na bumuto ng 90 laban sa 9 upang susugan ang panukalang batas para sa paggatos sa depensa na may isang pagbawal ng paggamit ng pagpapahirap ng puwersang militar ng Estados Unidos. (Mercury News)