Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Oktubre 6

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
  • Nakauwi na sa bansang Pilipinas si Romi Garduce, ang kauna-unahang Pilipinong nakaakyat sa bundok ng Cho Oyu sa Himalaya at ang pinakamataas na naabot na tuktok ng isang Pilipino sa kasulukuyan. (inq7.net)
  • Nakakaharap ang Zimbabwe sa isang nagbabadyang banta ng paghihimagsik ng militar, habang dumadami ang mga sundalong hindi nasisiyahan sa pagkabigo ng pamahalaan na taasan ang kanilang suweldo at mapunan ang malalang pagkakulang ng mga pagkain sa kanilang baraks. (allAfrica)
  • Umabot sa 166 ang kabuuang namatay sa Hurricane Stan. (Reuters)
  • Salungatang Israeli–Palestino: Ipinagbawal ng Israel ang paggamit ng mga Palestino bilang taong pananggalang kasunod ng isang pasya ng Korte Suprema ng Israel. (BBC)
  • Nanalo si Malalai Joya, isang 27-taong-gulang na manggagawa para sa karapatan ng kababaihan, ng isa sa mga unang puwesto sa Pambansang Pagpupulong ng Afghanistan, na tinatawag din na Wolesa Jirga. (CNN)