Cho Oyu
Cho Oyu | |
---|---|
Pinakamataas na punto | |
Kataasan | 8,201 m (26,906 tal) Ika-6 ang ranggo |
Prominensya | 2,340 m (7,680 tal)[1] |
Isolasyon | 29 km (18 mi) |
Pagkalista | Eight-thousander Ultra |
Pagpapangalan | |
Salin | Turquoise Goddess |
Wika ng pangalan | Tibetano |
Heograpiya | |
Lokasyon | Nepal–Tsina (Tibet) |
Magulanging bulubundukin | Mahalangur Himal, Himalaya |
Pag-akyat | |
Unang pag-akyat | Noong Oktubre 19, 1954 ni Herbert Tichy, Joseph Jöchler, Pasang Dawa Lama (Unang taglamig na pag-akyat noong 12 Pebrero 1985 ni Maciej Berbeka at si Maciej Pawlikowski) |
Pinakamadaling ruta | niebe/yelo/pag-akyat ng glasier |
Ang Cho Oyu (o Cho Oyo o Bundok Zhuoaoyou) ay ang ika-anim na pinakamataas na bundok sa daigdig. Matatagpuan ito sa Himalaya at 20 km sa kanluran ng Bundok Everest. Nangangahulugang "Diyosa ng Turquoise" ang Cho Oyu sa wikang Tibet.
Unang inaakyat ng ekspidisyong Austriyan ang Cho Oyu noong 19 Oktubre 1954 sa may hilaga-kanlurang palupo nito, sina Herbert Tichy, Joseph Joechler at Sherpa Pasang Dawa Lama ang mga kasama sa ekspidisyong ito. Unang sinubok akyatin ang Cho Oyu noong 1952 ng isang ekspidisyong pinamunuan ni Eric Shipton, ngunit sa kahirapang teknikal sa isang yelong talampas sa taas na 6,650 metro (21,820 talampakan), napatunayang hindi na kaya ng kanilang mga kakayahan na akyatin ang tuktok. Sa ngayon, karaniwang inaakyat ang yelong talampas na iyon sa pamamagitan ng mga permanenteng lubid.
Sa kanluran ng Cho Oyu, matatagpuan ang Nangpa La (5,716 metro/18,753 talampakan), isang daanang may malalaking gulod ng yelo (glacier) na nagsisilbing pangunahing ruta sa pangangalakal sa pagitan ng mga taga-Tibet at ang mga Sherpa ng Khumbu. Hinggil sa kalapitan na daanang ito, inaayunan ng mga namumundok na ang Cho Oyu ang pinakamadaling akyatin na higit sa 8,000 metrong tuktok. Cho Oyu ang panlimang 8,000 metrong tutok na inaakyat pagkatapos ng Annapurna noong Hunyo 1950, Bundok Everest noong Mayo 1953, Nanga Parbat noong Hulyo 1953 at K2 noong Hulyo 1954.
Kronolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 1952 Unang paunang pagmamasid sa hilagang-kanlurang bahagi nina Edmund Hillary at mga kasama.
- 1954 Unang pag-akyat.
- 1958 Ikalawang pag-akyat sa isang ekspidisyong Bumbay. Naabot ni Sherpa Pasang Dawa Lama ang tutok sa ikalawang pagkakataon. Unang kamatayan sa Cho Oyu.
- 1959 Apat na kasapi ang namatay sa isang pagbasak ng mga yelo (avalanche) sa panahon ng isang nabigong internasyunal na ekspedisyon ng mga kababaihan.
- 1964 Kontrobersiyal na ikatlong pag-akyat ng ekspidisyong Aleman na walang katunayang naabot ang tuktok. Dalawang mamumundok ang namatay sa pakahapo sa kampo 4 sa taas na 7600 metro (24,935 talampakan).
- 1978 Koblmuller at Furtner ng Austria, inaakyat ang tuktok sa pamamagitan ng napakahirap na timog-silangang bahagi.
- 1983 Nagtagumpay si Reinhold Messner sa kanyang ika-apat na pagsubok.
- 1985 Noong Pebrero 12, sina Maciej Baebeka at Maciei Pawlikowski ang unang nakaakyat sa tuktok sa panahon ng tag-lamig.
- 2005 Noong Setyembre 26, si Romi Garduce ang naging unang Pilipino nakaakyat sa Cho Oyu at ang pinakamataas na naabot na tuktok ng isang Pilipino noong mga panahon na iyo, bagaman, natalo ang tala na ito nang unang naakyat ni Leo Oracion ang Bundok Everest noong 17 Mayo 2006.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "China I: Tibet - Xizang". Peaklist.org. Nakuha noong 2014-05-29.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Cho Oyu sa Peakware Naka-arkibo 2005-11-03 sa Wayback Machine.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.