Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2005 Setyembre 1
Itsura
- Inaalala ng sa Rusya ang unang anibersaryo ng trahedya sa Beslan. Noong nakaraang taon, binihag ng mga militante ang higit-kumulang sa 1,200 katao at 331 biktima ang namatay, mga bata ang higit sa kalahati sa kanila. (The Guardian)
- Sinabi ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na naaayon sa Saligang Batas ng Pilipinas ang pinalawig na VAT. (inq7.net)
- Tumama ang bagyong Isang (internasyunal na pangalan: Talim) sa Taiwan, na kinitil ang hindi bababa sa isang tao at nasugatan ang 24. (BBC)
- Bilang bahagi ng pagdiriwang para sa ika-40 na anibersaryo ng pagkakatatag ng Awtonomong Rehiyon ng Tibet sa Republikang Bayan ng Tsina, nagtipon ang 20,000 katao sa Liwasan ng Palasyo ng Potala para sa pangkalingang pagtatanghal. Dumalo ang Politburo ng Partido Komunista ng Tsina na si Jia Qinglin. (Dazhong Daily)