Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2006 Hunyo 3
Itsura
- Sa isang espesyal na sesyon ng paliamentaryo, ipinahayag ng Montenegro na malaya ito mula sa Serbia at Montenegro. (AP)
- Hindi babayaran ng pamahalaan ng Pilipinas ang hinihinging pantubos para sa mga bihag na Pilipino sa Somalia. (inq7.net)
- Sa korte ng Lungsod ng Makati, Pilipinas, nagpatuloy ang paglilitis sa kaso ng panggagahasa sa isang babae sa Subic laban sa mga suspek na marino ng Estados Unidos. (inq7.net)
- Ipinagbawal ng Pakistan ang pelikulang The Da Vinci Code dahil sinasabing naglalaman ito ng kalapastangang materyal tungkol kay Jesus. (AP)
- Tumama ang isang malakas na lindol na may sukat na 5.2 sa eskalang Richter sa Katimugang Iran na kinitil ang buhay ng isang batang babae sa nayon ng Ramkan. (Pakistan Daily Times)