Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2006 Mayo 24
Itsura
- Sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1069 ng Pilipinas ipinahayag bilang Pambansang Alagad ng Sining si Fernando Poe, Jr. sa larangan ng pelikula sa kabila ng mga kontrobesiya sa kanyang nominasyon. (inq7.net)
- Pinangangabahan na mahigit isang daang katao ang namatay pagkatapos ng malakas na ulan at baha sa hilagang Thailand. (BBC)
- Ipinabatid ng pamahalaan ng Reino Unido ang balak na masinsin na pagsusuri sa sistemang pensyon. (BBC)
- Natapos ang ika-5 season ng palabas sa telebisyong American Idol na naghahanap ng mga talento sa isang dalawang-oras na katapusan, at si Taylor Hicks ang nanalo sa patimpalak.
- Ipinabatid ng Kuomintang ang balak nito na ipatigil ang paglalathala na Central Daily News, ang pinakamatandang pahayagan sa wikang Tsino, sa darating na katapusan ng buwan. (ChinaPost)
- Inimbestiga ng Pandaigdigang Organisasyon ng Kalusugan ang ilang pagkamatay sa trangkasong pang-ibon para sa isang posibleng kadena ng paghawang tao-sa-tao. (Reuters)