Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2007 Hunyo 5
Itsura
- Naghahanda na ang Komisyon sa Halalan o Comelec para sa partial proclamation sa Miyerkules, indikasyon na tuloy na tuloy na ito. Ika-7 ng gabi ang partial proclamation sa Philippine International Convention Center. Sampung panauhin ang maaaring dalhin ng bawat senator-elect.
Ang 10 nanalong senador ay sina Loren Legarda, Francis Escudero, Panfilo Lacson, Manny Villar, Francis Pangilinan, Benigno Aquino, Edgardo Angara, Alan Peter Cayetano, Joker Arroyo at Gregorio Honasan.
- 11 katao na ang naitalang nasawi sa pagsalpok ng isang tren sa timog-silang Australia, na ikinasugat din ng 50 katao.
- Binawi ng pamhalaang interim ng Thailand ang kautusang nagbabawal sa mga kilos-protesta at mga gawaing pampolitika na tumutuligsa sa kasalukuyang pamahalaan sa bansa. Ipinataw ang pagbabawal na ito noong Setyembre ng nakaraang taon makaraan ang isang kudeta na nagpatalsik kay Punong Ministrong Thaksin Shinawatra.
- Pinag-utos ng isang hukuman sa pulisya ng Bangladesh na siyasatin kung dapat kasuhan ng murder si dating Punong Ministrong Khaleda Zia hinggil sa nangyaring pagpapasabog ng granada noong 2004.
- Ayon sa abogadong si Richard Hutton, maayos ang lagay ni Paris Hilton (nasa larawan), isang Amerikanang socialite at tagapagmana ng Hilton Hotels, sa kanyang unang gabi ng pagkakakulong sa Los Angeles. Aniya ng abogado: she could now reflect on her life, to see what she can do to make the world better". Si Paris ay mananatili sa kulungan sa loob ng 23 araw dahil sa paglabag sa kanyang probation sa naunang hatol sa kanyang pagmamaneho ng nakainom.