Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2008 Marso 11
Itsura
- Nabigla si Panfilo Lacson nang magsinungaling ang "sorpresang-testigo" na si Leo San Miguel hinggil sa pagtanggap ng lagay kaugnay ng kasunduang NBN-ZTE. (PSN)
- Nasa Pilipinas ang mga opisyal ng Tsina upang suriin ang mga paratang na katiwalian sa pakikipagugnayan sa pamahalaan. (PS)
- $54 milyon ang babayaran ng Belgium para sa mga biktima ng Holocaust noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. (LA Times)
- Libu-libong mamamayan ang nahintil sa Maynila dahil sa welga ng mga nagmamaneho ng dyipni.(MB)
- Handa nang sumahimpapawid ang 7 astronaut ng Endeavour para buuin si Dextre, isang robot. (CNN)
- Ipinahayag ng Tsina na hindi nito babaguhin ang patakarang "isang-anak lamang" sa loob ng isang dekada. (Time)
- Nagpaumanhin ang Gobernador ng New York na si Eliot Spitzer sa pagkakasangkot sa sindikato ng prostitusyon. (BBC)
- Nilagdaan na ni Gloria Macapagal-Arroyo ang 1.2 trilyong pambansang puhunan ng Pilipinas para sa 2008. (PDI)