Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Agosto 19
Itsura
- Bahay ng mga paru-paro ni Winston Churchill muling isinaayos. (The Independent)
- Apatnapung katao ang nasugatan matapos tumalon ang isang toro sa mga tao sa Tafalla, Espanya; pinatay ang toro. (BBC) (The Guardian) (Aljazeera) (The Independent)
- Hilagang Korea kinompirma ang paghuli sa mga pangisdang bangka ng Timog Korea dalawang linggo na ang nakakalipas, kung saan apat na taga Timog Korea at tatlong Intsik na manlalayag ang nakasakay. (Yonhap) (AFP) (Korea Times)
- Pagbibigay ng danyos sa mga tindahan na magbibigay ng libreng plastik legal na sa Lungsod ng Mehiko bilang hakbang para sa kapaligiran. (BBC)
- Tinatayang may isang libong mga bilanggo pinakawalan sa Bangladesh sa pagsubok ng bansa na paliitin ang sobrang daming bilanggo sa kanilang mga piitan. (BBC)
- Isang hukuman sa Perth, Australya, ipinag-utos ang pag-aalis ng mga babaeng Muslim ng kanilang niqab kapag nagbibigay ng ebidensiya. (BBC)
- Mga kinauukulan ng Burma nagpalabas ng labingtatlong bagong alituntunin sa pangangampanya para sa pangkalahatang halalan sa Nobyembre. (Al Jazeera) (Sify)