Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 14
Itsura
- Mahigit 28 bilanggo ang patay sa labanan ng mga grupo sa Sinaloa, Mehiko. (Asiaone) (BBC) (newser)
- Hukom sa California tumangging bawian ng lisensiya si Conrad Murray, ang doktor na isinasangkot sa pagkamatay ni Michael Jackson. (AP via LA.com) (newser)
- Mahigit 35 katao ang pinangangambahang nalunod ang 50 pa ang nawawala matapos lumubog ang isang bangka sa Ilog Ganges sa hilagang Indiya. (AP via CT Now) (Xinhua)
- Hindi bababa sa 14 katao patay at mahigit 30 pa ang nasugatan nang mahulog ang isang bus sa bangin sa Pilipinas. (Xinhua)
- 10 pulis patay at ilan pa ang sugatan sa pananambang ng mga utusan ng isang druglord sa Zitácuaro Michoacán. (The Star) (AP) (The Australian) (Los Angeles Times)
- Pwersa ng seguridad ng Kolombiya nailigtas ang dalawang matandang opisyal ng pulis at isang sundalo na naprenda simula pa noong Nobyembre 1998, isa sa pinakamatagal na naprenda; ikaapat na biktima nailigtas din. (BBC) (France24) (Los Angeles Times) (The Sydney Morning Herald) (Aljazeera) (BBC)
- Mga simbahan sa Kenya inakusahan ang pamahalaan na siyang nasa likod ng pag-atake gamit ang granada sa isang kilos-protesta na laban sa planong saligang-batas na ikinamatay ng anim na katao. (BBC) (AP) (Daily Nation)
- Konseho ng mga Kinatawan ng Irak nagpulong sa Baghdad tatlong buwan matapos ang hindi pa pinapagtibay na halalan. (AFP via Google News)