Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Oktubre 3
Itsura
- Labindalawang katao patay at pito pa ang sugatan matapos paputukan ng ilang katao ang isang tangke ng langis ng NATO malapit sa Defence Housing Authority, sa Rawalpindi, Pakistan. (Xinhua)
- Pulisya sa Indonesya napatay ang anim na pinaghihinalaang mga militante Islam at inaresto ang apat sa isang pagsalakay sa Hilagang Sumatra. (AFP) (Jakarta Post) (Xinhua)
- Siyam katao patay sa pagbaha sa gitnang Biyetnam. Apat katao patay sa Lalawigan ng Ha Tinh, isa sa Lalawigan ng Quang Binh at isa sa Lalawigan ng Quang Tri, samantalang dalawa ang nasugatan sa mga Lalawigan ng Ha Tinh at Quang Binh. (Vietnam News) (Vietnamnet)
- Pagsabog sa isang pagawaan ng mga katad sa bayan ng Güzelburç sa Lalawigan ng Hatay, Turkiya ikinamatay ng tatlong katao. Limang iba pa sugatan. (Hürriyet)
- Ehipto at Iran nagkasundong muling ibalik ang direktang byahe ng eroplano matapos ang tatlong dekada. (Al Jazeera)
- 22 turistang Mehikano arestado sa Acapulco. (CNN) (RFI)ba
- Dating Punong Ministro ng Pidyi, Mahendra Chaudhry, arestado dahil sa umano'y paglabag sa mga regulasyong pangkagipitan ng pamahalaan ng sandatahang lakas. (Al Jazeera) (BBC) (Fiji Times) (Sify India)