Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2012 Mayo 4
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Hindi bababa sa labing isang katao ang namatay sa isang pag-atake sa isang masikip na palengke sa Ahensiya ng Bajaur sa Pakistan. (Xinhua), (Reuters via MSNBC)
- Digmaang Droga sa Mexico
- Tatlong mamamahay ang pinatay at nilagay ang kanilang mga katawan sa isang plastik sa estado ng Veracruz sa Mexico, na kung saan nagaaway ang Los Zetas at Gulf Cartel para sa pagkontrol sa teritoryo. (The Huffington Post) (Houston Chronicle)
- Hindi bababa sa isang katao ang namatay at hindi bababa sa 373 ang nasugatan nang patamaan ng bomba ng tubig, tear gas at mga bato ng armadong pwersa ang mga demostrador malapit sa ministri ng depensa sa Cairo, Egypt. (Al Jazeera)
- sinasabi ng mga pigura na hindi bababa sa 144 katao ang nasugatan sa isang pangangampanya ng gobyerno sa gitnang kwadrado sa Yerevan, Armenia matapos ang isang pagsabog habang nagkakaroon ng raling pampolitika. (BBC) (Al Jazeera)
- Sining at kultura
- Iniulat ng magasing Rolling Stone ang pagkamatay ni Adam Yauch, 47 taong gulang, ang tagapagtatag na miyembro ng Beastie Boys. (BBC)
- Namatay si Lloyd Brevett, ang taga-dobleng baho na kung saan itinaguyod niya ang genreng ska sa The Skatalites. (BBC)
- Kalusugan
- Isang pag-aaral na inilathala ng The Lancet ang nagsasabing humigit kumulang 90 porsyento ng mga nagaaral sa paaralan sa mga pangunahing lungsod sa Asya ang nagkakaroon ng myopia, o ang mga taong hindi makakita sa malayo at sampu hanggang dalawampung porsyento rito ay may mataas na myopia, na maaaring magdulot ng pagkabulag. (Al Jazeera)
- Internasyonal na relasyon
- Inilarawan ng Beijing Daily, ang opisyal na pahayagan ng Republikang Popular ng Tsina, si Chen Guangcheng bilang "isang gamit at sunud sunuran ng Estados Unidos." (Reuters via MSNBC)
- Batas at krimen
- Ipinayo ng Sun Hung Kai Properties, ang pinakamalaking tagaayos ng estado o lupa sa Hong Kong, na ipakulong ang dati nilang pinuno na si Walter Kwokpara sa korupsiyon. (Reuters)
- Pinalaya na ang dating taga medya na si Conrad Black mula sa pagkakakulong sa Miami pagkatapos maaresto sa salang panloloko ng mga negosyante. (BBC)
- Politika at eleksiyon
- Pumunta ulit ang mga botante ng Iran sa mga botohan para sa ikalawang bahagi ng eleksiyong lehislatibo. (Reuters)
- Inaakusahan ang Pangulo ng Tanzania na si Jakaya Kikwete kasama ang anim niyang ministro ng talamak na korupsiyon. (BBC)