Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 18
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Isang grupo ng tagasiyasat ng mga armas mula sa Mga Nagkakaisang Bansa ang dumating sa lungsod ng Damasko, upang imbestigahan ang hinihinalang paggamit ng armas na kemikal. (BBC)
- Nanawagan ang Israel sa Estados Unidos at Europa na suportahan ang militar ng Ehipto. (Haaretz), (New York Times)
- Ilang taga-suporta ng Kapatiran ng mga Muslim sa Ehipto ang napatay ng mga pulis pagkatapos magtangkang tumakas sa kulungan. (Reuters), (Al Jazeera)
- Anim katao ang sugatan dahil sa pagsabog ng isang bomba sa isang bus sa silangang Indiya sa Kanlurang Bengal. (Deccan Herald)
- Batas at krimen
- Isasailalim si Bo Xilai, dating politikong Tsino, sa isang paglilitis sa Agosto 22 dahil sa kasong panunuhol at korupsiyon sa lungsod ng Jinan. (BBC)
- Ayon sa abogado ng 2 Norwego na nakulong sa Congo noong 2009, isa sa dalawang nakulong, Tjostolv Moland, ay natagpuang patay sa kanyang selda. (Business Week) (NRK)