Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 22
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Isang kontroladong bomba ang sumabog na ikinasawi ng 5 katao, pinag hihinalaang ito ay kagagawan ng mga militanteng miyembro ng Tehrik-i-Taliban Pakistan sa Timog Waziristan. (The News Pakistan)
- Labing-apat ang nasawi sa isang bombang pagpapatiwakal sa himpilan ng militar sa kanlurang Irak.(Reuters)
- Limang sibilyan ang sugatan sa isang sunog ng mortar sa lungsod ng Goma sa Republika ng Konggo. (ABC News)
- Negosyo
- Ang elektrikong Pamilihang Sapi ng Amerika ang Nasdaq ay tumigil ng 3 oras dahil sa problema sa kompyuter.(FOXBusiness)
- Sakuna at aksidente
- Pumasok na sa teritoryo ng Tsina ang bagyong Maring "Trami" (internasyonal na pangalan) pagkatapos manalanta at kumitil ng 17 katao sa Pilipinas. (AP via Charlotte Observer)
- Politika at eleksiyon
- Dating Pangulong Hosni Mubarak ay pinalaya na sa kulungan ng Tora at inilipat sa isang hospital ng militar. (Los Angeles Times)
- Ang Alkalde ng San Diego, California na si Bob Filner ay pansamantalang sumang-ayon sa pag-alis sa kanyang puwesto kasunod ng pakikipagsundo sa mga opisyales ng lungsod, kung saan kailangan itong aprubahan ng Konseho ng San Diego; di bababa sa 18 babae ang umakusa sa kanya sa iba't-ibang klase ng seksuwal na panliligalig (siya ay sumailalim sa rehabilitasyon ngunit siya ay patuloy na pinagbibitiw). (CNN)
- Palakasan
- Pinaplano ng Rusong pari at manlalakbay na si Fyodor Konyukhov na tawirin ang Karagatang Pasipiko gamit lang ang isang bangka mula sa Valparaiso, Chile hanggang Silangang baybayin ng Australya. (Voice of Russia)