Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 28
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Inilikas ng Mosku ang kanilang mga mamamayan sa Sirya; habang ang mga tagapagsiyasat ng Mga Nagkakaisang Bansa ay bumalik sa lugar ng hinihinalang inatake ng kemikal na armas. (The Times Of Israel)
- Ang hukbo ng Arabyang Saudi ay nasa lubos na alerto matapos itaas ng lebel ng Estados Unidos ang bantang pag-atake sa Sirya sa mga darating na araw. (Fars News)
- Sinabi ng bansang Rusya na hindi pa napapanahon ang tugon ng Mga Nagkakaisang Bansa sa hinihinalang pag-atake; habang ang Hordan ay tutol sa pag-atake sa lupain ng Sirya.(Haaretz)
- Batas at krimen
- Sumuko na si Janet Lim-Napoles kay Pangulong Benigno Aquino III, kasunod ng pag-anunsuyo ng Pangulo na gagantimpalaan ng 10-milyong piso kung sino ang makakapagturo sa kanyang kinaroroonan, si Napoloes ay pinaghahanap ng awtoridad dahil sa kaugnayan nito sa pork barrel scam. (GMA News)(Radyo 5)