Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 30
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Sinabi ni David Cameron ang Punong Ministro ng Nagkakaisang Kaharian na kinakailangan ng pagtugon sa pag-atakeng kemikal sa Sirya kahit na di sumang-ayon ang bansa sa pag-atakeng gagawin ng Estados Unidos. (BBC)
- Ayon kay Hagel, Kalihim ng Tanggulan ng Estados Unidos na patuloy pa rin ang pagbubuo ng "pandaigdigang pagsasanib", kahit na hindi sinang-ayunan ng Nagkakaisang Kaharian at Alemanya ang kilos laban sa Sirya. (Al Jazeera)
- Muling bumalik ang grupo ng mga tagapagsiyasat ng Nagkakaisang Bansa sa huling araw ng pag-iimbistiga sa nakamamatay na lasong pag-atake sa Sirya. (The Guardian)
- Sinabi ni John Kerry, ang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na pinaslang ng gobyerno ng Sirya ang 1,429 gamit ang kemikal na armas noong nakaraang linggo. (BBC)
- Ayon sa bansang Damasko na ang ulat ng Pangunahing Ahensiya ng Kaalaman ng Estados Unidos tungkol sa paggamit ng kemikal na armas ng rehimeng Sirya na kumitil ng kulang-kulang 1,500 katao ay "gawa-gawa lamang". (France 24)
- Sining at kultura
- Pumanaw na ang makatang si Seamus Heaney ng Kahilagaang Irlandasa edad na 74, siya ay tumanggap ng Gantimpalang Nobel sa Panitikan noong 1996. (The Guardian)
- Sakuna at aksidente
- Naitala ang 7.0-magnitud na lindol sa baybayin ng Mga Pulo ng Aleutian. (Huffington Post)
- Batas at krimen
- Pinagtibay ng Kataas-taasang Hukuman ng Indonesia ang hatol ng kamatayan kay Lindsay Sandiford, isang Briton na nahatulan dahil sa kasong kontrabando ng cocaine na nagkakahalaga ng 2.5 milyong dolyar sa isla ng Bali. (Al Jazeera)
- Kinasuhan ng Lebanon ang limang lalaki, kabilang ang isang opisyales ng hukbo ng Sirya at isang klerigong Sunni na malapit sa gobyerno ng Sirya, ito ay kaugnay ng pambobomba sa dalawang moske sa hilagang Tripoli noong nakaraang linggo na ikinasawi ng 47 katao. (Al Jazeera)
- Agham at teknolohiya
- Natuklasan ng mga siyentipiko ang 800 km-haba at 800m-lalim na Sabak sa ilalim ng mga yelo sa bansang Lupanlunti.(BBC)