Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Agosto 8
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Sumabog ang isang bombang pagpapatiwakal sa isang libing sa lungsod ng Quetta, Pakistan na ikinasawi ng 28 katao.(BBC)
- Nasawi ang 14 katao matapos sumabog ang isang bomba sa sementeryo sa probinsiya ng Nangarhar, Apganistan.(BBC)
- Batas at krimen
- Inirekomenda ng Pambansang Kawanihan ng Pagsisiyasat (NBI) ang pagsasampa ng kasong pagpatay sa kapwa laban sa walong tauhan ng Tanúrang Baybayin ng Pilipinas o Philippine Coast Guard (PCG), kabilang ang kanilang namumunong opisyal na sangkot sa pamamaril na nagresulta sa pagkamatay ng mangingisdang taga-Taiwan sa Balintang noong nakalipas na Mayo 9, 2013. (Abante)
- Napatay ang 12 hinihinalang miyembro ng al-Qaida sa pag-atake ng tatlong drone ng Estados Unidos sa gitna at katimugan ng Yemen. (AP via Arizona Daily Star)
- Internasyonal na relasyon
- Inalis ng Taiwan ang lahat ng pagbabawal na ipinataw sa Pilipinas pagkatapos humingi ng tawad ni Pangulong Benigno Aquino sa pamilya ng napatay na mangingisda sa Balintang noong Mayo 9, 2013. (BBC)