Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Hulyo 24
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Mehikanong Digmaang Pangdroga
- Isang bomba ang sumabog sa estasyon ng pulisya sa Lungsod ng Mansoura, sa Ehipto ang kapitolyo ng Dakahlia Governorate, nag-iwan ng isang patay at 17 sugatan. (Reuters via Hindustan Times)
- Apat na katao ang patay at halos 40 ang sugatan sa pag-atake gamit ang bomba at baril sa Inter-Services Intelligence sa Sukkur, Pakistan. (Reuters)
- Negosyo at ekonomiya
- Ang Wells Fargo ng Estados Unidos ay naging pinakamalaking bangko sa buong mundo batay sa kapitalismo sa merkado nilagpasan nito ang Industrial & Commercial Bank ng Tsina, dahilan ng mabagal na pagbaba ng ekonomiya sa Tsina. (AFP via France 24)
- Sakuna at Aksidente
- Pagdiskaril ng tren sa Santiago de Compostela sa Espanya, kung saan nawalan ng buhay ang higit sa 78 katao (Bloomberg) (El Mundo) (Reuters) (BBC)
- Isang bangkang patungong Australya sakay ang mga Iranian na nag hahanap ng asylum ang lumubog sa baybayin ng Indonesia, tatlo ang naiulat na namatay at 157 ang nailigtas, hindi pa malaman kung ilan pa ang nawawala.(The Australian) (BBC)
- Batas at Krimen
- Tatlong bilanggo ang namatay sa kaguluhan sa loob ng kulungan sa Abidjan, Ivory Coast.(BBC)
- Internasyonal na relasyon
- Sa kabila ng naunang ulat, ang naglantad ng eskandalo ukol sa pakikinig ng tawag na si Edward Snowden ay nanatiling istranded sa Paliparang Pandaigdig ng Sheremetyevo sa Mosku, Rusya. (CNN)
- Agham
- Nagbabala ang mga siyentipiko ukol sa malaking pagpapakawala ng metano mula sa natutunaw na yelo sa Artiko bunga ng pagpapalit ng klima, na maaaring magdulot ng pandaigdigang pagkagambala at puminsala sa ekonomiya ng mundo ng nagkakahalaga ng 60 trilyong dolyar. (The Independent)