Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Setyembre 1
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Pinag-usapan ng Liga ng mga Arabo ang kasalukuyang krisis na nagaganap sa Sirya sa isang saradong-pintong pagpupulong sa Cairo. (Al Jazeera)
- Inihayag ni John Kerry ang Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na may ibedensiya ang Amerika na may nakuhang sarin gas sa buhok at dugo ng mga biktima sa nakaraang pag-atakeng kemikal sa Sirya. (AP via News24)
- Isang bomba sa gilid ng daanan ang sumabog na ikinasawi ng 9 na miyembro ng hukbo ng Pakistan sa Hilagang Waziristan malapit sa hangganan ng lupain sa pagitan ng Pakistan at Apganistan. (ABC), (Reuters)
- Sakuna at aksidente
- Isang lindol na may lakas na 5.9-magnitud ang kumitil sa buhay ng 4 katao sa timog-kanlurang Tsina. (CNN)
- Batas at krimen
- Inaresto ang kontrobersiyal na gurung Hindu na si Asaram Bapu dahil sa kasong panggagasaha na isinampa ng isang dalaga sa hilagang kanlurang Indiya. (AP via News24)
- Politika at eleksiyon
- Inilabas na sa ospital si Nelson Mandela ang dating Pangulo ng Timog Aprika sa kapitolyo ng Pretoria.(BBC News)