Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2014 Abril 15
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Isang bomba ang sumabog sa himpilang ng pulis trapiko sa Cairo, Ehipto, na ikinasugat ng 3-katao. (AP via Houston Chronicle)
- Sinugod ng isang grupo ng mga terorista na hinihinalang mga miyembro ng Boko Haram ang isang eskwelahan sa Nigerya na ikinasawi ng 2 miyembro ng puwersa ng seguridad at pagdukot sa 200 na mag-aaral na babae.(BBC)
- Batas at krimen
- Kinilala ng Kataas-taasang Hukuman ng Indiya ang Transeksuwalismo bilang "ikatlong kasarian". (Times of India)
- Nasentensiyahan ng 1 taong serbisyong pangkomunidad si dating Punong Ministro ng Italya nasi Silvio Berlusconi sa kasong pandaraya sa buwis.(Los Angeles Times)
- Limang katao ang nasawi dahil sa pananaksak sa isang kasiyahan sa Calgary, Alberta, sa Kanada. Kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya ang hinihinalang may sala.(CBC News)
- Kalusugan
- Agham at teknolohiya
- Isang ganap na Eklipse ng Buwan ang matutunghayan sa bahagi ng Kaamerikahan, Australya at New Zealand. (Times of India)