Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2014 Abril 29
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Sinakop ng mga militanteng maka-Rusya ang punong-tanggapan ng pampook na pangasiwaan sa bayan ng Luhansk sa silangang Ukraine na nagresulta ng tensyon sa pagitan ng mga militante at mga tauhan ng seguridad.(BBC)
- Sakuna at aksidente
- Paglubog ng MV Sewol
- Inilabas ang isang bidyo kung saan makikita ang pagtakas ng kapitan ng MV Sewol na si Lee Joon-seok at pag-iwan nito sa kanyang mga pasahero.(CNN)
- Humingi ng paumanhin si Park Geun-hye, Pangulo ng Timog Korea, na ipinalabas sa pambansang Telebisyon para sa hindi maayos na paghawak ng pamahalaan sa insidente.(BBC)
- Umabot na sa 205 ang nasawi at 97 pa ang nawawala sa paglubog ng MV Sewol.(CNN)
- Batas at krimen
- Inanunsuyo ni Adam Silver, komisyonado ng National Basketball Association, ang habang buhay na pagbabawal sa lahat ng liga kay Donald Sterling, may-ari ng Los Angeles Clippers, matapos ilabas ng isang naitalang pag-uusap kung saan maririnig ang komento ni Sterling na may diskriminasyon ng lahi.(ABC News) (Fox News)