Pumunta sa nilalaman

Luhansk

Mga koordinado: 48°34′18″N 39°17′50″E / 48.5717084°N 39.2973153°E / 48.5717084; 39.2973153
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Luhansk

Луганськ
city ​​in Ukraine, gorod
Watawat ng Luhansk
Watawat
Eskudo de armas ng Luhansk
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 48°34′18″N 39°17′50″E / 48.5717084°N 39.2973153°E / 48.5717084; 39.2973153
Bansa Ukranya
LokasyonLuhansk People's Republic
Itinatag1795
Ipinangalan kay (sa)Kliment Vorošilov
Bahagi
Lawak
 • Kabuuan257 km2 (99 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2015)[1]
 • Kabuuan417,990
 • Kapal1,600/km2 (4,200/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+02:00
WikaWikang Ukranyano, Wikang Ruso
Plaka ng sasakyanBB
Websaythttps://loga.gov.ua/

Ang Luhans'k (Ukranyo: Луганськ, IPA: [luˈɦɑnʲsʲk]) o Lugansk (Ruso: Луганск, IPA [lʊˈgansk]), at dating kilala bilang Voroshilovgrad (1935–1958 at 1970–1990) ay isang pangunahing lungsod-industriyal sa pinakasilangang bahagi ng Ukraine. Ito ang kabisera ng Luhansk Oblast. Batay sa senso noong 2001, may 463,097 katao ang lungsod. Ang populasyon ng lungsod ayon sa pagtataya noong 2013 ay 425,800.

Mula 2014 ang lungsod ay hawak ng rebeldeng grupong Luhansk People's Republic since 2014. Pagkaraang bihagin ng mga rebelde ang Luhansk at mga katimugang bahagi ng oblast, lumipat ang maka-Kiev na administrasyon sa Sievierodonetsk.

Tanawin ng Luhansk

Nagsisimula ang kasaysayan ng lungsod sa taong 1795, kung kailan itinatag ng industriyalistang Briton na si Charles Gascoigne ang isang pabrika ng metal doon. Ito ang panimula ng industriya na patuloy pa ring umuunlad hanggang ngayon. Natamo ng Lugansk ang estado ng lungsod (city status) noong 1882. Matatagpuan ito sa Donets Basin, at pinaunlad ang Lugansk upang maging mahalagang sentro ng industriya sa Silangang Europa. Ang lungsod ay naging kinaroroonan ng isang pangunahing kompanya na gumagawa ng mga lokomotibo. Noong Nobyembre 5, 1935, binago sa Voroshilovgrad (Padron:Lang-ru/ua) ang pangalan ng lungsod, mula sa Soviet na hukbong komandante at politikong si Kliment Voroshilov. Noong Marso 5, 1958, binalik ang lumang pangalan bunga ng utos ni Nikita Khrushchev na huwag gumamit ng pangalan ng mga buhay-pang tao sa mga lungsod.[2][3] Noong Enero 5, 1970, kasunod ng pagpanaw ni Voroshilov, binago muli sa Voroshilovgrad ang pangalan ng lungsod. Sa huli, noong Mayo 4, 1990, binalik ang orihinal na pangalan ng lungsod dahil sa isang kautusan mula sa Supreme Soviet ng Ukrainian SSR.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://ukrstat.org/uk/druk/publicat/kat_u/2015/zb/06/zb_nas_14xl.zip.
  2. "ВОЕННАЯ ЛИТЕРАТУРА -[ Биографии ]- Хрущёв С.Н. Хрущёв". Militera.lib.ru. Nakuha noong 16 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Записки из Якирова Посада - Луганск-Ворошиловград-Луганск". Shusek.livejournal.com. 2 Nobyembre 2009. Nakuha noong 16 Setyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga ugnay panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Wiktionary
Wiktionary
Tingnan ang Luhansk sa
Wiktionary, ang malayang talahulugan.