Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2019 Abril 21
Itsura
- Pagbobomba sa Sri Lanka noong Pasko ng Pagkabuhay ng 2019
- Isang serye ng mga pagsabog ang naganap sa mga simbahan at otel sa Sri Lanka, kabilang ang pang-komersyong kabisera at pinakamalaking lungsod na Colombo, na kinitil ang hindi bababa sa 300 katao at sinugatan ang mga tinatayang 500. Inihayag ng mga opisyal sa Sri Lanka na walang partikular na pangkat ang umako sa nangyarai ngunit sinasabing gawa ito ng mga masisidhing Islamiko. (BBC)
- Pansamantalang hinarang ng pamahalaan ng Sri Lanka ang pagpasok sa lahat ng mga social media platform sa bansa upang matigil ang pagpapalaganap ng "huwad na midyang ulat" tungkol sa pag-atake. (The Washington Post)
- Inihayag ng Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na si Mike Pompeo na may ilang mamamayan ng Estados Unidos ang namatay sa pag-atake at inihayag ng mga opisyal ng Ministeryo ng Ugnayang-Panlabas ng Sri Lanka na hindi bababa sa lima ng mga biktima ay mga Briton ang nasyonalidad. (CNN)
- Namatay ang apat na umatake sa hindi matagumpay na pag-atake sa isang himpilan ng pulis sa Zulfi, Saudi Arabia. May mga masinggan, bomba at mga bombang petrol ang mga umatake. (Al Jazeera)
- Labing-pitong katao ang namatay at higit sa dosena ang nawawala pagkatapos ang isang pagguho ng lupa sa munisipalidad ng Rosas, sa timog-kanlurang Colombia. (CBC) (El Tiempo)
- Pampangulong halalan ng Ukraine ng 2019
- Sang-ayon sa mga exit poll, nanalo ang komedyanteng si Volodymyr Zelensky sa pampangulong halalan ng Ukraine at tinalo niya ang kasalukuyang Pangulo na si Petro Poroshenko sa higit na 70 bahagdan ng mga boto. Tinanggap ni Poroshenko ang pagkatalo. (Reuters) (BBC) (CBC)