Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2019 Agosto 13
Itsura
- Negosyo at ekonomiya
- Labanan sa kalakalan ng Tsina at Estados Unidos
- Pinabatid ng Kinatawan ng Kalakalan ng Estados Unidos ang pagkaantala hanggang Disyembre 15 ng isang mahalagang bilang ng mga produkto na naapektuhan ng 10% taripa sa angkat na inanunsyo noong Agosto 1 at tinakdang ipataw sa Setyembre. (CNBC) (Reuters)
- Sumang-ayon ang Verizon na ibenta ang sayt na pang-social network na Tumblr sa Automattic, may-ari ng WordPress.com, sa hindi bababa sa $10 milyon. Ang desisyon sa pagbenta nila nito ay nangyari pagkatapos ng halos dalawang taon na pagbili ng sayt noong 2017. (Los Angeles Times) (Axios)
- Politika at eleksyon
- Protesta kontra batas sa ekstradisyon sa Hong Kong noong 2019
- Sinabi ng Pangulo ng Estados Unidos na si Donald Trump na pinabatid sa kanya ng intelehente ng Estados Unidos na pinapagalaw ng Tsina ang mga sundalo sa hangganan nito sa Hong Kong. (Bloomberg)
- Pinirmihan ng Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte ang batas na idinideklera ang Setyembre 8 bilang pista opisyal sa Pilipinas na may pasok upang bigyan alaala ang Pista ng Kapanganakan ni Birheng Maria. (ABS-CBN)