Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2019 Marso 19
Itsura
- Sa kabila ng pag-amin ng Manila Water na nahihirapan silang tugunan ang pangangailangan ng tubig sa Kalakhang Maynila, Pilipinas, nakikitang magkakaroon ng kakulangan sa tubig sa taong 2025 sa marami pang lungsod at rehiyon sa Pilipinas kung hindi tutugunan ng pamahalaan ng Pilipinas ang pag-taas ng pangangailangan ayon sa pag-aaral ng dalawang pamantasan. Kabilang sa mga lugar na maaring magkaroon ng kakulangan sa tubig ang Kalakhang Cebu, Lungsod ng Zamboanga, Lungsod ng Davao, Lungsod ng Bacolod, Lungsod ng Cagayan de Oro, at Lungsod ng Baguio. (GMA News)