Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2020 Enero 12

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga armadong labanan at atake
  • Apat na mga sundalong taga-Iraq ang nasugatan nang tumama ang mga bala ng mortar sa Baseng Paliparan ng Balad, mga 40 mulya (64 km) hilaga ng Baghdad, na tinitirhan ng mga kawaning militar ng Estados Unidos. Humampas ang mga mortar sa runway o daanan sa loob ng base. (Reuters)
Mga kalamidad at sakuna
  • Naglabas ang Bulkang Taal sa katimugang Luzon, Pilipinas, ng mala-ulap na mga abo na tinatayang may sukat na 1 kilometro (0.62 mi). Itinalaga ng Surian ng Pilipinas sa Bulkanolohiya at Sismolohiya ang isang alertong antas na "level 3", na ipinapahiwatig ng isang mataas na antas ng "magmatic unrest" (kaguluhang magmatiko) na maaring magdulot ng isang "mapanganib na pagsabog sa darating na mga linggo." (Reuter)
  • Humingi ng paumanhin ang pamahalaan ng Ontario sa Canada sa paglabas ng maling alerto tungkol sa iang insidente sa isang plantang nukleyar malapit sa Toronto at sinisi ang pagkakamali sa pagsasanay. Humingi ng pagsisiyat ang mga galit na mga lokal na alkalde na nagsabing ang mensahe pang-emerhensiya tungkol sa tumatandang Pickering Nuclear Generating Station ay nagdulot ng di-kinakailangang pagkabagabag. (Reuters)
Internasyunal na pakikipag-ugnayan