Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2021 Setyembre 18
Itsura
Armadong labanan at atake
- Labanan sa Apganistan
- Dalawang pagbomba sa Jalalabad at dalawa pa sa Kabul ang pumatay sa pitong katao at sinugatan ang 30 iba pa: isa sa mga pag-atake ay tinarget ang isang sasakyang lulan ng mga kasapi ng Taliban. (Al Jazeera)
- Isang tao ang namatay at pito pa ang nasugatan sa pagsabog ng isang granada sa isang tunggalian ng balibol sa Datu Piang, Maguindanao, Pilipinas. (Manila Standard)
Sining at kultura
- Sunog sa Notre-Dame de Paris
- Sinabi ng mga awtoridad na Pranses na muling bubuksan ang katedral ng Notre-Dame de Paris sa Paris sa 2024. (France24)
Agham at teknolohiya
- Lumapag ang misyong Inspiration4 ng SpaceX sa Karagatang Atlantiko sa may baybayin ng Florida, na kinumpleto ang unang pag-orbitang paglipad sa kalawakan ng mga pasaherong lahat sibilyan. (AFP via Mint)
Palakasan
- Kampeonato ng Open Pool sa Estados Unidos ng 2021
- Sa nine-ball pool, tinalo ni Carlo Biado ng Pilipinas si Aloysius Yapp ng Singapore, sa iskor na 13–8, sa huling labanan upang manalo sa kampeonato na ginaganap sa Atlantic City, New Jersey. (ESPN)