Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2024 Hulyo 31
Itsura
Mga sakuna at aksidente
- Pagtagas ng langis sa Look ng Maynila, 2024
- Nagdeklera ang pamahalaang panlalawigan ng Kabite sa Pilipinas ng "estado ng kalamidad" pagkatapos umabot ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na barkong MT Terra Nova sa mga baybayin ng walong bayan, na nangangailangan ng implementasyon ng isang sonang walang-huli at ayuda na ibibigay sa mga tinatayang naapektuhang 25,000 mangingisda. (GMA Network)
- Natuklasan ang barkong panlangis na Mirola 1 na sumadsad sa lupa malapit sa baybayin ng Bataan, na naging ikatlong sasakyang pandagat na nagdulot ng pagtagas sa lupa sa Look ng Maynila noong nakaraang linggo. (GMA Network)
- Nagdulot ang malakas na unos at hangin sa silangang Nebraska, Estados Unidos ng matinding pagkawasak, na nagkaroon ng malawakang pagkawala ng kuryente sa Lincoln at Omaha, ang dalawang pinakamalaking lungsod ng estado. (The New York Times)
- Isa ang namatay at hindi bababa sa 40 ang nasugatan nang gumuho ang tolda sa retirong (retreat) Budista sa Busby, Alberta, Canada. (CBC News)