Wikipedia:Sabi-sabi
Ang mga pahinang nagtataglay ng sabi-sabi ay yaong mga artikulong gumagamit ng mga parirala o salita na nagbibigay kredito, atribyusyon, o pagkilala sa isang hindi kilala o hindi natutukoy na reperensiya o sanggunian. Ang paggamit ng ganitong pamamaraan ay nagbibigay ng awtoridad ng hindi nabibigyan ang mambabasa ng pagkakataon na makapag desisyon kung ang reperensiya o sangguniang ginamit ay mapagkakatiwalaan. Kung ang isang pangungusap ay hindi makatatayo ng hindi gumagamit ng "sabi-sabi", ito ay nangangahulugan laman ng kawalan ng neutralidad, at kung magkagayon ay nararapat na hanapin ang karapat dapat na reperensiya kung hindi man, ay nararapat na alisin o baguhin. Sa pagbabalita ang paggamit ng "hindi pinapangalanang tao o impormante" ay hindi maiiwasan at tinatanggap, gayumpaman, kung pagsulat sa ensiklopedya at pang-eskolastikong artikulo o materyales ang pag-uusapan, ito ay hindi kaingga-ingganyo.
Isang halimbawa ng tawasang pangungusap na may kinikilingan: "Mas malinis sa Pasig kaysa sa Pasay"
Isang pagsubok na baguhin ang pangungusap sa itaas upang gawing neutral: "May ilang tao na nababanguhan at nalilinisan sa Pasig kaysa sa Pasay
Bagamat ang pagbabago ay nagnakabawas sa "pagkiling", ito pa rin ay nananatiling "hindi kumpleto" dahil hindi ito nagtataglay ng impormasyon hinggil sa
- Kung sino ang may sabi na ito ay mabango at malinis ...
- Kung kailan at saan ito sinabi
- Ilan ang mga taong nagsasabing ito ay mabango at malinis
- at anong klase, o uri ng tao ang nagsasabi mabango at malinis nga ito
Ang mga sabi-sabing ito ay walang neutralidad at bagkus ay nagbibigay daan laman sa pagpapalaganap ng kuro-kuro, personal na opinyon, opinyong may kalabuan sa di tahasang paraan ng pagsulat. Mas makabubuting lagyan ng "pangalan" at "mukha" ang opinyon kaysa ito ay ipangalan sa hindi kilala o hindi matukoy na reperensiya.
Halimbawa
[baguhin ang wikitext]Ang nasa ibaba ay gabay upang matukoy ang mga "sabi-sabi"
- "May nagsasabing ..." (nang hindi sinasabi kung sino ang "nagsabi")
- "Pinaniniwalaang ..." (nang hindi sinasabi kung sino ang "naniniwala")
- "may naniniwalang ..."
- "marami ang nagsasabi ..."
- "marami ang naniniwala ..."
- "ayon sa mga eksperto ..." (nang hindi sinasabi kung sino ang "eksperto")
- "ang mga mananalaysay at historyador ... " (nang hindi sinasabi kung sino ang mananalaysay o historyador)
- "tinuturing ng nakararami na ..." (nang hindi sinasabi kung sino ang "nakararami")