Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Antas ng mga napupuntahan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikipedia:Tingnan tagagamit)

Ang mga Wikipedista (na sa Ingles ay mga Wikipedian) ay mga tao na nagsusulat at gumagawa ng mga pagbabago sa mga pahina para sa Wikipedia, hindi katulad ng mga nagbabasa lamang ng mga artikulo. Sinuman ay maaaring maging Wikipedista - pati ikaw! Kapag naging isa ka nang Wikipedista, magkakaroon ka ng isang pahina ng tagagamit (kasama ang pahina ng usapan) sa loob ng Tagalog na Wikipedia.

Ang kakayahan ng isang Wikipedistang tagapag-ambag o kontributor na makapagsagawa ng partikular na mga kilos o galaw habang nasa loob ng Wikipedia ay nakabatay sa kaniyang antas ng napupuntahan ng tagagamit o user access level. Ito ay depende sa kung ang patnugot o editor ay nakalagda (naka-log-in) sa isang akawnt (account), sa kung ang akawnt ay mayroong sapat na katagalan at bilang mga pagbago o pamamatnugot, at kung anong dagdag pang mga karapatan (mga pangkat ng mga tagagamit o mga user group, tinatawag ding mga flag o mga bit) ang naitakda nang sadya (manwal o kinakamay na pagdaragdag) sa akawnt.

Ang lahat ng mga tao ay makakabasa ng Wikipedia. Ang mga mambabasa ay malayang makapagbabago (makapag-eedit) ng karamihan sa mga pahina na hindi kinakailangang mag-log-in, maliban na lamang kung sila ay hinadlangan o hinarang. Ang paglagda o pag-log-in ay nakapagbibigay sa tagagamit ng maraming mga pakinabang kabilang na ang kakayahang makalikha ng bagong mga pahina. Ang mga kuwenta o mga akawnt na mayroong mahigit sa ilang bilang ng mga araw (matatagal na) na mayroong marami nang mga bilang ng mga pag-edit ay awtomatiko o kusang nagiging kumpirmado (WP:Autoconfirmed). Ang dagdag na iba pang mga antas ng akseso o napupuntahan ay kailangang manual o kinakamay na idagdag ng isang tagagamit na may akmang nagawad na kapangyarihan. Ang isang patnugot o editor na mayroong mas maraming karanasan at mabuting katayuan o pangalan ay maaaring magtangka na maging isang tagapangasiwa (sysop), na nakapagbibigay ng isang malaking bilang ng mas masulong na mga pahintulot. Mayroon ding isang bilang ng iba pang mga flag para sa natatangi o espesyalisadong mga gawain o gampanin.

Mga nakakapunta

[baguhin ang wikitext]

Sa kasalukuyan, ito lamang ang kinikilalang mga uri ng tagagamit sa Tagalog Wikipedia: