Wikipedia:Ulila
Itsura
Sa talahulungan ng Wikipedia, ang isang ulila (Ingles: orphan) ay binibigyan kahulugan bilang "isang artikulo na walang nakaturo mula sa ibang mga pahina sa pangunahing namespace ng mga artikulo". Mahahanap pa rin ang mga pahinang ito sa pamamagitan ng paghahanap sa Wikipedia, subalit mas ninanais na maabot sila sa pamamagitan ng mga link mula sa kaugnay na mga pahina; samakatuwid, nakakatulong na magdagdag ng mga link mula sa ibang mga pahina na may pareho o kaugnay na impormasyon. Ang pagtatanggal ng pagiging ulilia ng mga artikulo ay isang mahalagang aspeto ng pagtayo ng web.
Makikita ang mga ulilang pahina dito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa "ulila", tingnan ang en:Wikipedia:Orphan.