Wilhelm Wundt
Wilhelm Wundt | |
---|---|
Kapanganakan | Wilhelm Maximilian Wundt 16 Agosto 1832 |
Kamatayan | 31 Agosto 1920 Großbothen, Saxony, Alemanya | (edad 88)
Nasyonalidad | Aleman |
Nagtapos | Pamantasan ng Heidelberg |
Kilala sa | Sikolohiya, Boluntarismo |
Karera sa agham | |
Larangan | Sikolohiyang eksperimental, Pisolohiya |
Institusyon | Pamantasan ng Leipzig |
Doctoral advisor | Karl Ewald Hasse[1] |
Academic advisors | Johannes Peter Müller |
Doctoral student | Edward B. Titchener, G. Stanley Hall, Oswald Külpe, Hugo Münsterberg, Vladimir Bekhterev, James McKeen Cattell, Lightner Witmer[2] |
Impluwensiya | Gustav Fechner |
Naimpluwensiyahan | Emil Kraepelin |
Wilhelm Maximilian Wundt (16 Agosto 1832 – 31 Agosto 1920) ay isang doktor, pilosopo, at propesor na Aleman na kilala ngayon bilang isa sa mga mga importanteng tao sa pagtuklas ng makabagong sikolohiya. Si Wundt, ang taong kinilala ang sikolohiya bilang isang agham bukod sa biyolohiya at pilosopiya, ay siya ring unang taong ikinilala ang sarili bilang isang sikologo. Tinagurian siyang “ama ng sikolohiyang eksperimental”. Taong 1897 nang kanyang itinatag ang kauna unahang pormal na laboratoryo para sa pananaliksik na pangsikolohiya sa Pamantasan ng Leipzig. Dahil dito ay nagsimulang magkaroon ng pansariling larangan ng pag-aaral ang sikolohiya. Sa isang pagsusuri ng A Review of General Psychology na inilabas noong 2002, iniranko si Wundt bilang ika-93 na pinakanabanggit na sikologo ng ika-20 siglo, kasama nina Edwin Boring, John Dewey, at Amos Tversky.
Sa pagtayo ng laboratoryong ito, nagawa niyang galugarin ang katangian ng mga relihiyosong paniniwala, kilalanin ang mga sakit sa kaisipan at abnormal na pag-uugali, at hanapin ang mga nasirang bahagi ng utak. Sa ganitong paraan, nagawa niyang itatag ang sikolohiya bilang hiwalay na agham sa ibang mga paksa. Binuo rin ni Wundt ang pinakaunang pahayagan para sa mga pananaliksik sa sikolohiya, ang Philosophische Studien, noong 1883.
Tinutukan ni Wundt ang tatlong bahagi ng mental functioning: ang kaisipan, imahen, at damdamin. Ang mga ito ay ang mga basehang pinag-aaralan ngayon sa kognitibong sikolohiya. Nangangahulugang ang pag-aaral ng perseptwal na mga proseso ay maaaring iugnay kay Wundt. Ang gawa niya ay nagsimula ng interes sa kognitibong sikolohiya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Neurotree profile Wilhelm Wundt
- ↑ Wilhelm Wundt at William James. Webspace.ship.edu. Nakuha noong 29 Hunyo 2015.