William Harrison Ainsworth

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
William Harrison Ainsworth
William Harrison Ainsworth by Daniel Maclise.jpg
Kapanganakan4 Pebrero 1805
  • (Manchester, Greater Manchester, North West England, Inglatera)
Namatay3 Enero 1882
    • Reigate
  • (Reigate and Banstead, Surrey, South East England, Inglatera)
Inilibing saKensal Green Cemetery
MamamayanUnited Kingdom of Great Britain and Ireland
NagtaposThe Manchester Grammar School
Trabahomanunulat, peryodista, nobelista
Pirma
Ainsworth Signature.jpg

Si William Harrison Ainsworth (4 Pebrero 1805  – 3 Enero 1882) ay isang Ingles na manunulat ng romansa, nobelistang pangkasaysayan, tagapamahayag, at manananggol. Mas itinuturing siya bilang isang bantog o popular na manunulat sa halip na isang dakilang may-akda.[1]

Talambuhay[baguhin | baguhin ang batayan]

Ipinanganak si Ainsworth sa Manchester, Ingglatera. Anak na lalaki siya ng isang solisitor. Bagaman may kasanayan sa larangan ng batas, mas naibigan ni Ainsworth ang pagsusulat noong magkaroon ng karanasan sa pamamahayag. Namatay siya sa Reigate, Ingglatera noong 1882.[1]

Mga akda[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang akdang Rookwood noong 1834 ang tanda ng una niyang pagiging matagumpay sa larangan ng pagsusulat ng romansa. Ikaapat sa kanyang mga nobela ang Tower of London ("Tore ng Londres") na isinulat niya, ayon sa kanya, upang maantig ang kamalayan ng kanyang mga kababayan hinggil sa kasaysayan ng paksang tore.[1]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 Mee, Arthur; J.A. Hammerton. "Harrison Ainsworth". The World's Greatest Books, Vol. I, Fiction. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 17.



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.