William M. Tweed
William M. "Boss" Tweed | |
---|---|
Kasapi ng Estados Unidos na Kapulungan ng mga Kinatawan mula sa New York na Ika-5 (na) distrito | |
Nasa puwesto Marso 4, 1853 – Marso 3, 1855 | |
Nakaraang sinundan | George Briggs |
Sinundan ni | Thomas R. Whitney |
Personal na detalye | |
Isinilang | William Magear Tweed 3 Abril 1823 Lungsod ng New York |
Yumao | 12 Abril 1878 Lungsod ng New York | (edad 55)
Partidong pampolitika | Demokrata |
Asawa | Mary Jane C. Skaden |
Propesyon | Politiko |
Si William Magear Tweed (Abril 3, 1823 – Abril 12, 1878) – na madalas na tinatawag bilang William Marcy Tweed,[1] at malawakang nakikilala bilang "Boss" Tweed – ay isang politikong Amerikano na higit na nakikilala dahil sa pagiging "boss" ng Tammany Hall (kilala rin bilang Tammany Ring, isang nasusuhulang makinaryang pampulitika[2]), ng [makinaryang pampulitika]] ng Partidong Demokratiko na nagsagawa ng malaking gampanin sa pulitika ng Lungsod ng New York noong ika-19 na daantaon at pati na rin sa kasaysayan ng Estado ng New York. Sa kaigtingan ng kaniyang impluwensiya, si Tweed ang pangatlo sa Lungsod ng New York na nagmamay-ari ng maraming mga lupain, na direktor ng Erie Railroad, ng Tenth National Bank, at ng New-York Printing Company, pati na ang pagiging may-ari ng Metropolitan Hotel.[3]
Nahalal si Tweed sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Estados Undidos noong 1852 at sa Lupon ng mga Superbisor ng County ng New York noong 1858, na taon nang siya ay maging pinuno ng makinaryang pampulitika ng Tammany Hall. Nahalal din siya sa Senado ng Estado ng New York noong 1867, subalit ang pinaka malaking impluwensiya ni Tweed ay nagmula sa pagiging nahirang na kasapi ng isang bilang ng mga lupon at ng mga komisyon, ang kaniyang pagkontrol sa patronaheng pampulitika sa Lungsod ng New York sa pamamagitan ng Tammany, at ang kaniyang kakayahan na matiyak ang katapatan ng mga mamboboto sa pamamagitan ng mga hanapbuhay na malilikha niya at maipapamahagi sa mga proyektong may kaugnayan sa lungsod.
Nahatulang nagkasala si Tweed dahil sa pagnanakaw ng perang tinataya ng isang komite ng mga alderman (konsehal) noong 1877 na nasa pagitan ng $25 milyon at $45 milyon mula sa mga nagbabayad ng buwis sa Lungsod ng New York sa pamamagitan ng korupsiyong politikal, bagaman ang lumaong mga pagtatantiya ay umaabot hanggang sa $200 milyon.[4] Dahil sa hindi niyang magawang makapagpiyansa, tumakas siya mula sa bilangguan nang isang ulit, subalit nadakip na muli. Namatay siya sa loob ng Ludlow Street Jail.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "William Magear Tweed (American politician) – Britannica Online Encyclopedia". britannica.com. Nakuha noong 2009-11-17.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R116.
- ↑ Ackerman, p. 2
- ↑ "Boss Tweed" Naka-arkibo 2007-04-27 sa Wayback Machine., Gotham Gazette, New York, 4 Hulyo 2005.