Wonder Woman 1984

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang Wonder Woman 1984 ay isang paparating na pelikula na hango sa karakter ng DC Comics na si Wonder Woman, na ipinamamahagi ng Warner Bros. Pictures. Ito ang kasunod na pelikula ng Wonder Woman na ipinalabas noong 2017 at ang ika-siyam na pelikula ng DC Extended Universe. Ito ay mula sa direksyon ni Patty Jenkins at isinulat nina Jenkins, Geoff Johns, at David Callaham, na mula sa istorya ni Jenkins at Johns. Ito ay pinagbibidahan ni Gal Gadot bilang si Wonder Woman, kasama sina Chris Pine, Kristine Wiig, Pedro Pascal, Connie Nielsen at Robin Wright. Ito ang ikaapat na pelikula na itinampok si Wonder Woman; ang ibang pelikula pa ay ang Batman v Superman: Dawn of Justice (2016), Wonder Woman (2017), at Justice League (2017).