Pumunta sa nilalaman

Man of Steel (pelikula)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Man of Steel
DirektorZack Snyder
Prinodyus
  • Charles Roven
  • Christopher Nolan
  • Emma Thomas
  • Deborah Snyder
Itinatampok sina
MusikaHans Zimmer
SinematograpiyaAmir Morki
In-edit niDavid Brenner
TagapamahagiWarner Bros. Pictures
Inilabas noong
10 Hunyo 2013
(Lungsod ng New York)
14 Hunyo 2013
(United Kingdom at
Estados Unidos)
12 Hunyo 2013
(Pilipinas)
Haba
143 minuto[1]
BansaUnited Kingdom
Estados Unidos
WikaIngles
Badyet$225 milyon[2]
Kita$668 milyon[2]

Ang Man of Steel ay isang pelikula na hango sa karakter na si Superman ng DC Comics. Ito ang kauna-unahang pelikula ng DC Extended Universe (DCEU). Ang Man of Steel ay mula sa direksyon ni Zack Snyder at sa panunulat ni David S. Goyer, at pinagbibidahan nina Henry Cavill, Amy Adams, Michael Shannon, Kevin Costner, Diane Lane, Laurence Fishburne, Antje Traue, Ayelet Zurer, Christopher Meloni, at Russell Crowe.

Ipinalabas ang Man of Steel sa mga sinehan noong 14 Hunyo 2013 sa 2D, 3D at IMAX. Sa kabuuan, kumita ang pelikulang ito sa buong mundo ng $668 milyon. Ang kasunod nitong pelikula na pinamagatang Batman v Superman: Dawn of Justice ay ipinalabas naman noong ika-25 Marso, 2016.

DC Extended Universe

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang tagumpay ng Man of Steel ang nag-udyok sa Warner Bros. para gumawa ng shared universe na kabibilangan ng iba't ibang karakter mula sa DC Comics. Noong Hunyo 2013, si Goyer ay inatasan gumawa ng iskrip para sa kasunod na pelikula ng Man of Steel at pati na rin sa Justice League. Makalipas ang isang buwan, noong Hulyo 2013, inanunsyo ni Zack Snyder na ang ikalawang pelikula ay pagtatagpuin sina Batman at si Superman. Si Cavill, Adams, Lane at Fishburne inaasahan magbabalik sa ikalawang pelikula upang gampanan muli ang kanilang mga karakter.[3][4] Ayon kay Snyder, hinango ang kasunod na pelikula mula sa komik na The Dark Knight Returns.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Man of Steel". British Board of Film Classification. Mayo 21, 2013. Nakuha noong Hulyo 10, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Man of Steel (2013)". Box Office Mojo. Nakuha noong Oktubre 2, 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kit, Borys (20 Hulyo 2013). "Superman and Batman Film Set for Comic-Con Reveal". The Hollywood Reporter. Nakuha noong 21 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Sperling, Nicole (20 Hulyo 2013). "Comic-Con 2013: 'Superman & Batman' movie will follow 'Man of Steel'". Los Angeles Times. Nakuha noong 21 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Anders, Charlie Jane (20 Hulyo 2013). "They're doing a shitty Superman/Batman movie ... but that's not the big news". io9. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hulyo 2013. Nakuha noong 22 Hulyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Karagdagang pagbabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga panlabas na kawil

[baguhin | baguhin ang wikitext]