Pumunta sa nilalaman

Nintendo World Cup

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa World Cup Soccer)

Nintendo World Cup (熱血高校ドッジボール部 サッカー編) ay isang larong pang Game Boy. Ang larô ay binubuo ng 13 pambansang kuponan (sa ayos ng abakada: Alemanya, Argentina, Brazil, Cameroon, Espanya, Estados Unidos, Hapon, Inglatera, Italya, Mehiko, Olandia, Pransiya, Rusya) na lahat lumalaban para mapanalunan ang World Cup.

Bago magsimula ang larô, ang mga maglalarô ay dapat pumili ng kuponan at maglagay ng manlalaro sa field. Sa field, ang maglalarô ay may: isang tagabantay ng goal, dalawa sa depensa, ang kapitan (na ginagalaw ng tagagamit) at dalawang forwards.

May apat na klase ng fields:

  • Damuhan: Ang field ay masisinang na-manikyur, karaniwang stadium.
  • Bato: Kung ang manlalaro ay tumakbo at madapa, matatagalan ang manlalaro na makabalik sa mabuting kalagayan.
  • Buhangin: Ang manalalarong tumatakbo sa ganitong field ay makapapansin ng pagbagal.
  • Yelo: Sa ganitong field, maaaring madulas at ito ay delikado.

Para makapunto, maraming mga paraan: posibleng makapunto gamit ang imposibleng mapigil na "tadyak bisikleta". Pagkatapos ng isang napanalunang larô, may lalabas na password. Ang larô ay matatapos kung magkaroon ng tablá o may natalo. Kung mapanalunan ang huling larô, ang kuponan ay magseselebrá at mapapanalunan ang Kopa.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.