Pumunta sa nilalaman

Galanggalangan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wrist)
Ang galanggalangan ng lalaking tao.

Sa anatomiya ng tao, ang galanggalangan o punyos ay ang nahuhutok o nababaluktot ngunit hindi nababali at mas makitid na hugpungang nasa pagitan ng braso o bisig at ng palad. Ito ang sugpungan na nagdurugtong sa pang-ibabang baraso at sa kamay. Sa kapayakan, isa itong pinagdalawang hanay ng maliliit at maiiksing mga butong tinatawag na mga karpal, na pinagkabitkabit upang makabuo ng isang nababagong bisagra. Binabaybay din itong galang-galangan o galang-galangin. Tinatawag din itong pulso. Ito ang bahagi ng kamay na pinagpupulsuhan.[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Blake, Matthew (2008). "Wrist". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Wrist Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  2. Gaboy, Luciano L. Wrist - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

AnatomiyaTaoHayop Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Tao at Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.