Xerxes II ng Persia
Si Xerxes II (Persian: خشايارشا دوم,IPA:/ˈzəːksiːz/ - Xšayāršā) ang haring Persa (Persian) at anak at kahalili sa trono ni Artaxerxes I. Pagkatapos ng isang paghahari ng 45 draw, siya ay pinaslang noong 424 BCE ng kanyang kapatid na lalakeng si Sogdianus na pinaslang naman ni Dario II. Siya ay iniulat na ang tanging lehitimong anak ni Artaxerxes I at reyna nitong si Damaspia. Siya ay alam na nagsilbi bilang isang Koronang Prinsipe. Ang huling inskripsiyon na nagbabanggit kay Artaxerxes I na buhay ay may petsang 424 BCE. Maliwanag na hinalinhan ni Xerxes ang trono nito ngunit ang dalawa sa kanyang mga hindi lehitimong kapatid na lalake ay nag-angkin ng trono para sa kanilang sarili. Ang una ay si Sogdianus na anak na lalake ni Artaxerxes I sa kanyang kalunyang si Alogyne ng Babilonya. Ang ikalawa ay si Dario II na anak na lalake ni Artaxerxes I sa kanyang kalunyang si Cosmartidene ng Babilonya na ikinasal sa kanilang karaniwang kalahating kapatid na babaeng si Parysatis na anak na babae ni Artaxerxes I at kanyang kalunyang si Andia ng Babilonya.
Xerxes II ng Persia Kapanganakan: ?? Kamatayan: 424 BCE
| ||
Sinundan: Artaxerxes I |
Dakiang Hari(Shah) ng Persia 424 BCE |
Susunod: Sogdianus |
Paraon ng Ehipto 424 BCE |