Yarda
Kustomaryong mga yunit ng Estados Unidos/Mga yunit na imperyal | |
36 mga pulgada | 3 mga talampakan |
Mga yunit na SI | |
0.9144 m |
Ang isang yarda (bara[1]; Ingles: yard; daglat: yd) ay isang yunit ng haba sa loob ng iba't ibang mga sistema na kasama ang kustomaryong mga yunit ng Estados Unidos, mga yunit na Imperyal at ang dating mga yunit na Ingles (yunit ng Ingglatera). Katumbas ito ng 3 mga talampakan o 36 na mga pulgada. Sa ilalim ng isang kasunduan noong 1959 sa pagita ng Australia, Canada, New Zealand, Timog Aprika, ang Nagkakaisang mga Kaharian at ng Nagkakaisang mga Estado, ang yarda (na nakilala bilang "yardang internasyunal" o "pandaigdigang yarda", na "international yard" sa wikang Ingles ng Estados Unidos) ay legal na binigyan ng kahulugan upang maging hustong 0.9144 mga metro (metre).[2] Bago dumating ang petsang iyan, ang makabatas na kahulugan ng yarda kapag isinaad sa mga kataga ng yunit na metriko ay umiiba ng bahagya sa iba't ibang mga bansa.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Diccionario Ingles-Español-Tagalog by Sofronio G. Calderón
- ↑ A. V. Astin & H. Arnold Karo, (1959), Refinement of values for the yard and the pound, Washington DC: National Bureau of Standards, muling inilathala sa websayt ng National Geodetic Survey at sa Federal Register (Dokumento blg. 59-5442, Isinalansan, Hunyo 30, 1959, 8:45 ng umaga)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Sukat ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.