Pumunta sa nilalaman

Yeti

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa tauhan sa komiks, pumunta sa Abominable Snowman (komiks).

Ang Yeti o Abominable Snowman ("karima-rimarim na taong yelo" o "marawal na taong niyebe") ay isang wangis-bakulaw na kriptid sa sinasabing matatagpuan sa rehiyon ng Himalayas ng Indiya,[1][2] Nepal at Tibet. Ang mga pangalang Yeti at Meh-Teh ay karaniwang ginagamit ng mga katutubo ng rehiyon[3] at kasama sa kanilang kasaysayan at mitolohiya. Lumabas ang mga kuwento ng Yeti sa Kanlurang tanyag na kultura noong ika-19 siglo.

Ang pamayanang siyentipiko ay kinikilala ang Yeti bilang isang alamat dahil sa kawalan ng ebidensiya.[4] Subalit ang yeti ay isa sa mga pinakakilala na hayop ng kriptosoolohiya. Ang Yeti ay mahahalintulad sa Bigfoot ng Hilagang Amerika.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Eberhart, George (2002). Mysterious Creatures: A Guide to Cryptozoology. ABC-CLIO. p. 613. ISBN 9781576072837.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. McLeod, Michael (2009). Anatomy of a beast: obsession and myth on the trail of Bigfoot. University of California Press. p. 54. ISBN 9780520255715.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Charles Stonor (1955 Daily Mail). The Sherpa and the Snowman. Hollis and Carter. {{cite book}}: Check date values in: |year= (tulong)
  4. John Napier (2005). Bigfoot: The Yeti and Sasquatch in Myth and Reality. London: N. Abbot. ISBN 0-525-06658-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link).

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.