Zen

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Silipin din: Intsik na Chán at Hapones na Zen

Ang Zen, na maaari ring isulat bilang Sen o Tsen, ay isang paaralan ng Budismong Mahayana[2] na nagmula sa Tsina noong ika-6 na daantaon CE bilang Chán. Magmula sa Tsina, lumaganap ang Zen sa timog papuntang Biyetnam, sa pasilangan papuntang Korea at Hapon.[3]

Ang salitang Zen ay buhat sa pagbigkas sa Hapones ng Panggitnang wikang Intsik na salitang 禪 Dzyen (na sa makabagong Mandarin ay Chán), na hinango naman mula sa salitang Sanskrit na dhyāna, na tinatayang maisasalinwika bilang "pagsipsip" (absorpsyon) o "kalagayang meditatibo" (katayuang nagbubulay-bulay).[4]

Binibigyang diin ng Zen ang pangkaranasang karunungan sa pagkakamit ng pagkamulat. Bilang ganyan, hindi nito binibigyan ng diin ang kaalamang teoretikal bilang pagbibigay ng pabor o pagkiling sa tuwirang pagpapatotoo ng sarili sa pamamagitan ng pagninilay o meditasyon at pagsasagawa ng dharma.[5] Kabilang sa mga pagtuturo ng Zen ang sari-saring mga pinanggalingan ng kaisipang Mahāyāna, kasama na ang panitikang Prajñāpāramitā, ang Madhyamaka, ang Yogācāra at ang mga Sutrang Tathāgatagarbha.

Mga sanggunian[baguhin]

  1. Dumoulin-A 2005, p. xvii.
  2. Isinulat ni Dumoulin sa kanyang paunawa (paunang hiwatig) para sa kanyang "Zen A History. Part One: India and China" (Zen Isang Kasaysayan: India at Tsina): "Zen (Ch'an sa Intsik, isang pagpapaikli ng ch'an-na, na pinaghanguan ng transliterasyon ng Sanskrit na dhyana o ng kahinlog nitong jhana sa Pali (mga katagang nangangahulugang "meditasyon", ay ang pangalan ng isang paaralang Budista ng Mahayana na nagmula sa Tsina at kinatatangian ng pagsasagawa ng meditasyon na nasa posisyon ng lotus (sa Hapon ay zazen; sa Intsik ay tso-ch'an at ng paggamit ng koan (sa Intsik ay kung-an), pati na ang pagkaranas ng pagkamulat ng satori[1]
  3. Harvey 1995, p. 159-169.
  4. Kasulis 2003, p. 24.
  5. Yampolski 2003-A, p. 3.