Pumunta sa nilalaman

Zeus Salazar

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Zeus Salazar
Kapanganakan
Zeus Atayza Salazar

(1934-04-20) 20 Abril 1934 (edad 90)
NasyonalidadPilipino
NagtaposUniversity of the Philippines Diliman
TrabahoHistoryador

Si Dr. Zeus Atayza Salazar ay itinuturing “Ama ng Bagong Histograpiyang Pilipino”. Ipinanganak siya na panganay mula sa pitong magkakapatid sa Tiwi, Albay noong Abril 29, 1934 mula kayla Ireneo Salazar at Luz Salazar. Mula sa kanyang pag-aaral, at samakatuwid na pagtuturo sa Europa siya ay natuto na makapagsalita ang 10 na wika, at nakakapgsulat sa wikang Filipino, Bicolano, Ingles, Espanol, Pranses, Aleman, Italyano, Ruso, at Malayo.

Itinatag niya ang ADHIKA, Inc. at ang Sangguni ng BAKAS, Inc. Mas kilala siya sa kanyang pag-aaral ukol sa Pantayong Pananaw.

Education and Academic Career

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Salazar ay nagtapos ng kolehiyo bilang summa cum laude sa Unibersidad ng Pilipinas sa ilalim ng B.A. Kasaysayan. Nakamit niya ang kanyang Ph.D. sa Etnolohiya o Antropolohiyang Kultural sa Sorboone Unibersidad ng Paris at nakatanggap ng pinakamataas na karangalan (Tres Bien) sa panahon ng kanyang pag-aaral.


Siya rin ay naging tagapangulo sa Departamento ng Kasaysayan (U.P. Diliman, 1989-1991) at naging dekano rin sa Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (U.P. Diliman, 1991-1994).


Nagsilbi rin siya bilang panauhing propesor (guest professor) sa mga sumusunod na Kolehiyo:

  • École des hautes études en sciences sociales (Paris, France)
  • Universität de Bremen (Germany)
  • Universität Köln (Germany)
  • Instituto Universitario di Studi Orientale (Napoli, Italy)
  • Australian National University (Canberra)
  • Dubdrovnik, Yugoslavia
  • University of the Philippines, Clark (Pampanga)
  • University of Sto. Tomas (Manila)
  • De la Salle University (Manila)

Mga Karangalan Naitanggap:

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Gawad ng Estadong Pranses na chevalier de palme’s academique (1978 )
  • Gawad ng Komisyon sa Wika (1987 ),
  • Gawad ng Sentro ng Wikang Pilipino (1999)
  • Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (2009)
  • Bayani ng Wika (2009)
  • Most Outstanding Bikolano Artist for Literary Arts (2009)


Mga Aklat Nailathala:

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Der Untergang ni Walter Jens (ipinalis sa Filipino, Ang Pagguho ng Troya), 1989)
  • Manifest der Kommunistischen Partei ni Mark asin Engels, ipinalis sa Filipino (Manifesto ng Komunista, 2000)
  • Ang P/Filipino sa Agham Panlipunan at Pilosopiya, 1991.
  • Kasaysayan ng Pilipinas. Isang Balangkas, 1993.
  • Agosto 29-30, 1896: Ang Pagsalakay ni Bonifacio sa Maynila, 1994.
  • Ang Kartilya ni Emilio Jacinto at ang Diwang Pilipino sa Agos ng Kasaysayan, 1999.
  • The Malayan Connection. ang Pilipinas sa Dunia Melayu, 1998.
  • Mga Tula ng Pag-iral at Pakikibaka, 2001.
  • Sikolohiyang Panglipunan-at-Kalinangan, 2004.
  • Talaarawan 1997: Handog Sa Sentenaryo Himagsikang Pilipino Digma Ng Mga Anak Ng Bayan, 1897
  • Ang Kasaysayan : diwa at lawak.Limbagan ng Unibersidad ng Pilipinas Press, 1974.
  • Liktao at Epiko: Ang Takip ng Tapayang Libingan ng Libmanan, Camarines Sur (2004)
  • Pangulong Erap; Biograpiyang Sosyopulitikal at Pnagkalinangan ni Joseph Ejercito Estrada; Tomo I; Pinunong Bayan: Tungo sa Hamon ng EDSA II (2005)
  • Ang Pilipinong "Banua"/"Banwa" sa Mundong Melano-Polynesiano (2006)


[1] Chua, Xiao (2012). BATHALA: Si Zeus Salazar Bilang Dalumat Mismo, Ika-75 Taon, Isang Pagpapahalaga, 2009

  1. BAHAY DAGITAB NG BAHAY SALIKSIKAN NG KASAYSAYAN : BAGONG KASAYSAYAN (BAKAS), Incorporated. "Mga Artikulo" Naka-arkibo 2016-10-30 sa Wayback Machine.. UP Campus, Diliman, Lunsod Quezon, Pilipinas