Pumunta sa nilalaman

Zuma

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Zuma
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaGraphics Arts Service Inc.
Unang paglabasAztec (1974)
TagapaglikhaJim Fernandez (karakter at kuwento)
Ben Maniclang (guhit)
Impormasyon sa loob ng kwento
EspesyeKalahating diyos
Lugar ng pinagmulanGitna at Timog Amerika
Kilalang alyasHari ng mga Ahas
Kakayahan
  • Kakayahang utusan ang mga ahas
  • Dalawang ulong ahas sa kanyang balikat na may malakas na tuklaw
  • Di nasusugatan o tinatablan (partikular mga bala)

Si Zuma ay isang karakter sa komiks mula sa Pilipinas na nilikha ni Jim Fernandez noong 1974. Unang lumabas ang karakater sa isang serye na sinulat ni Fernandez na pinamagatang Aztec. Mula 1976 hanggang 1985, nagkaroon ng sariling serye si Zuma na pinangalang Anak ni Zuma na nilathala sa Aliwan Komiks ng Graphics Arts Service Inc. sa panulat ni Fernandez at guhit ni Ben Maniclang. Pinakabenta ang serye ng komiks na ito para sa Aliwan. Kasunod ng tagumpay sa publikasyon, nailathala ang mga spin-off o mga kaugnay na serye at noong dekada 1990, ni-reboot o muling binuhay ang istorya ni Zuma at pinalawak pa ito sa ibang midya tulad ng pelikula at telebisyon.

Kasaysayan ng publikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1974, ang Pilipinong manunulat ng komiks na si Jim Fernandez ay nilikha si Zuma, na unang lumabas sa serye ng komiks na Aztec.[1][2][3] Pagkatapos nang dalawang taon, noong 1976, sinulat ni Fernandez ang isang bagong serye para sa karakter na pinamagatang Anak ni Zuma na nilathala ng baha-bahagi sa Aliwan Komiks ng Graphics Arts Service Inc. (GASI) sa guhit ni Ben Maniclang.[4] Nasa sindikasyon ang serye hanggang 1985[5] na naging pinakamabenta para sa Aliwan.[6]

Dahil sa tagumpay sa publikasyon, nagkaroon ng ibang kaugnay na serye ang orihinal na serye ni Zuma. Kabilang dito ang prequel spin-off (istoryang bago ang orihinal na istorya) na may titulong Angkan ni Zuma, na kinukuwento ang buhay ni Zuma noong sinaunang panahon.[2] Ang prequel na ito ay sinulat muli ni Fernandez at ginuhit ni Mar T. Santana; at tumakbo mula 1978 hanggang 1983.[4] Isang serye ng komiks na kathang-isip na pang-agham na may pamagat na Zuma-Maria ay isa na namang kaugnay na serye na kinukuwento ang istorya ng kaapu-apohan ni Zuma sa hinaharap.[2] Isang kaugnay na serye din ang Dugong Aztec na kasabay na nailathala sa pangunahing serye ng komiks ng Zuma.[4] Nilathala ito sa Rex Komiks ng Rex Publications Inc. mula 1978 hanggang 1979 at sinulat pa rin ni Fernandez kasama si Elmer Esquivas na nagguhit.[4]

Mayroon din isang reboot o muling pagbuhay sa istorya ni Zuma noong dekada 1990 na nilathala sa magasin na komiks na Zuma Komiks[2] ng GASI.[4] Ang mga istorya sa magasin na komiks na ito na kilala din sa dalawang ibang pangalan (Zuma and Other Amazing Stories at Zuma and Other Horror Stories) ay sinulat ng iba't ibang mga manunulat sa guhit ni Clem V. Rivera noong unang pagtakbo ng komiks at ni Vic Catan Jr sa mga kalaunang isyu.[4] Isang antolohiya ng katatakutan ang magasin na komiks na ito.[4]

Balangkas ng karakter

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang bantayog ng Mesoamerikanong serpyenteng diyos na si Kukulkan sa El Castillo, Chichen Itza, Mehiko. Isinasalarawan si Kukulkan sa istorya sa komiks bilang ama ni Zuma.

Ang kapansin-pansin na katangiang pisikal ni Zuma ay ang dalawang ulong ahas na lumalabas mula sa kanyang balikat[7] na nakapatong na parang kuwintas ng bulaklak at ginagamit niya ang mga ito upang talunin ang kanyang mga kalaban dahil namumugot ang kagat ng mga ito.[2] Karagdagan pa sa kanyang katangian ay ang kanyang luntiang balat[8] at pagkakalbo, tulad ni Martian Manhunter, na isa ring karakter sa komiks.[2] Bagaman, ang kanyang mukha ay parang tao na may itsurang demonyo.[2] Madalas siyang sinasalarawan bilang isang kontrabida o anti-hero sa halip na isang bida o superhero.[9]

Sang-ayon sa istorya ni Zuma sa komiks at sa ibang midya, si Zuma ay isang kalahating diyos na anak ng sepyenteng diyos ng mga Aztec na si Kukulkan.[10][8] Natulog siya ng napakahabang panahon hanggang natuklasan ang kanyang himlayan sa isang piramideng Aztec ng pangkat ng pang-arkeolohiyang ekspedisyon na gumising sa kanya.[2] Pagkatapos niyang gumising, kumawala siya sa makabagong panahon at galit na kumitil ng buhay, partikular na pinapatay ang mga birheng babae, na kinukuha ang puso para kainin na nagbibigay ng lakas kay Zuma.[11][8]

Maliban sa kanyang dalawang ulong ahas na ginagamit niya bilang armas, hindi tinatablan si Zuma (partikular ang mga bala) at nakokontrol niya ang mga ahas.[2] Sa mga kalaunang bersyon, may kakayahan si Zuma na magpagaling ng mga may sakit.[4] Ang kanyang kahinaan ay ang kamandag mula sa kanyang anak na si Galema na siya rin kanyang mortal na kaaway.[2] Isang tao ang ina ni Galema na kinuha ni Zuma bilang asawa.[2] Bagaman lumaki si Galema sa mga nag-ampon sa kanya na ginawa siya bilang isang mabuting tao.[2] Nagakaroon si Zuma ng isa pang anak na nagngangalang Dino na isang nilalang na may ulo ng dinosauro at katawan ng tao.[2][4] Noong una, kakampi ni Dino ang kanyang Ama ngunit ng kalaunan iniwan ang ama nang umibig si Dino sa isang tao.[2]

Sa ibang midya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagkaroon ng dalawang pelikula na patungkol kay Zuma. Ang unang pelikulang batay kay Zuma ay noong 1985 na may pamagat na Zuma na nilabas ng Cine Suerte Inc.,[8][12] kasama si Max Laurel na ginampanan si Zuma[13] habang si Snooky Serna naman ay ginampanan ang anak niyang si Galema.[14][15] Si Jun Raquiza ang nagdirehe ng pelikula na kilala din sa pangalan na Jim Fernandez's Zuma.[16]

Noong 1987, nilabas ang ikalawang kasunod na pelikula na may pamagat na Anak ni Zuma, na may alternatibong pamagat na Zuma II: Hell Serpent.[17] Muling ginampanan ni Max Laurel ang papel na Zuma[18][14] habang ibang artista naman ang gumanap bilang Galema, si Jenny Lyn.[2] Nilabas muli ito ng Cine Suerte Inc. at dinirehe ni Ben Yalung.[19][17][20]

Lumabas si Zuma sa seryeng pantelebisyon na Galema: Anak ni Zuma noong 2013.[21] Si Derick Hubalde, anak ng basketbolistang Pilipino na si Freddie Hubalde, ang gumanap na Zuma[22] habang si Andi Eigenmann naman ang gumanap na Galema.[23] Sumahimpapawid ang serye sa ABS-CBN at mas nakatuon ang istorya sa paghihirap ng buhay ni Galema dahil sa kanyang sumpang minana mula sa kanyang amang si Zuma.[24]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Creating Comic Books 101". Manila Workshops (sa wikang Ingles). 2016-04-21. Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-09-29. Nakuha noong 2019-10-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.00 2.01 2.02 2.03 2.04 2.05 2.06 2.07 2.08 2.09 2.10 2.11 2.12 2.13 2.14 "Zuma". www.internationalhero.co.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-10-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Video 48 (2009-04-27). "Video 48: JIM FERNANDEZ' "KAMBAL SA UMA," "ZUMA," AT IBA PA". Video 48 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 4.5 4.6 4.7 4.8 Panganiban, Aris B. (2010-12-24). "Pinoy Superheroes Universe: How ZUMA Saved Christmas". Pinoy Superheroes Universe (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-10-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Roxas, Cynthia; Arevalo, Joaquin; Marcelino, Ramon R (1985). A history of komiks of the Philippines and other countries (sa wikang Ingles). Quezon City: Islas Filipinas Pub. Co. OCLC 559852094.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Lent, John A. (2014-01-17). Southeast Asian Cartoon Art: History, Trends and Problems (sa wikang Ingles). McFarland. p. 52. ISBN 9780786475575.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "'Zuma' actor Max Laurel dies at 71". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2016-06-16. Nakuha noong 2020-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  8. 8.0 8.1 8.2 8.3 Geronia Jr |, Ed (2017-10-26). "8 Classic Movie Monsters of Philippine Cinema". Esquiremag.ph (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  9. Panganiban, Aris B. (2011-06-19). "Pinoy Superheroes Universe: Happy Father's Day, ZUMA - Love, GALEMA". Pinoy Superheroes Universe (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Philippine Daily Inquirer (2016-06-16). "'Zuma' actor Max Laurel passes away at 71". entertainment.inquirer.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  11. "Top 10 Pinoy Komiks Characters". Nakuha noong 2020-02-13.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Dr, James (2010-07-10). "PELIKULA, ATBP.: ZUMA (1985)". PELIKULA, ATBP. (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. CoconutsManila (2016-06-17). "Character actor Max Laurel, famous for playing Zuma, dead at 71 | Coconuts Manila". Coconuts (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. 14.0 14.1 "Janice still refuses to work with ex-husband; Max Laurel of "Zuma" passes away". DZRH News (sa wikang Ingles). 2016-06-15. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-02-18. Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Who will be the next 'Galema?'". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2009-04-03. Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  16. Tortora, Matteo (2014-11-18). 80’s The Gold Decade Of The Horror Movie (sa wikang Ingles). Self-Publish.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 Willis, Donald C. (1997-01-01). Horror and Science Fiction Films IV (sa wikang Ingles). Scarecrow Press. ISBN 978-0-8108-3055-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Santiago, Erwin (2016-06-15). "Zuma star Max Laurel passes away at 71". PEP.ph (sa wikang Ingles at Tagalog). Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link) CS1 maint: url-status (link)
  19. "Coming-soon | HOOQ". www.hooq.tv (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-05-07. Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "ANAK NI ZUMA (1987) by Ben Yalung, Cinefania". www.cinefania.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Radovan, Jill Tan (2019-03-02). "10 Crazy Teleseryes We All Loved to Watch". SPOT.PH (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  22. "From basketball to acting: Derick Hubalde to play 'Zuma'". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2013-09-20. Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  23. "Andi Eigenmann a snake woman in new 'serye'". Rappler (sa wikang Ingles). 2013-09-11. Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)
  24. "'Galema' starts strong, beats 'Pyra' in ratings". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2013-10-04. Nakuha noong 2020-02-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)